Metro Puerto

PANININGIL NG RENTA MULA MARSO HANGGANG MAYO SA MGA MAGTITINDA SA OLD/NEW MARKET, IPAGPAPALIBAN

Ni Clea Faye G. Cahayag

APROBADO na ng Sangguniang Panlungsod ang ipinasang resolusyon ni City Councilor Elgin Robert Damasco na humihiling kay Punong Lungsod Lucilo R. Bayron na pansamantalang ipagpaliban ang paniningil ng renta sa mga manininda ng old at new market habang umiiral pa rin ang General Community Quarantine (GCQ).

Matatandaang buwan ng Marso nang simulang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa siyudad ng Puerto Princesa ayon na rin sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte dala ng Covid-19 pandemic at isa sa mga apektado ang hanapbuhay at kita ng mga vendors sa palengke ng siyudad.

Kaya upang makatulong sa mga magtitinda hiniling ni Kagawad Damasco sa Alkalde na huwag munang singilin ang  renta para sa buwan ng Marso hanggang Mayo ang mga magtitinda sa bago at lumang pampublikong pamilihang bayan.

Ang hakbang na ito ni Damasco ay suportado rin ni Acting Market Superintendent Joseph Vincent Carpio.

Katunayan, nagpadala rin ng liham si Carpio sa opisina ng alkalde na may petsang Abril 15 na may parehong intensyon at layunin sa pansamantalang pagsususpende ng paniningil ng renta sa mga magtitinda sa palengke.

Kalakip nito ang liham mula kay Ms. Janet Lacumbo, presidente ng SAMAHAN NG MGA MANININDA NG NEW MARKET.

“Humihingi po kami ng konsiderasyon sa inyo na pansamantalang itigil muna ang pagpataw sa amin ng rentals sa mga stalls, during the quarantine period ng Covid-19 sa kadahilanang limitado po lamang ang aming kita dahil lubhang nabawasan ang daloy ng mga mamimili sa panahong ito,” ang bahagi ng kahilingan ni Lacumbo sa Punong Lungsod.

Related Articles

Leave a Reply

Your email address will not be published.

Back to top button
Close