CommunityEntertainmentHeadlinesMetro PuertoTourism

“ITONG IRONMAN TINITIGNAN KO MAG-AANGAT NG ATING TURISMO AT EKONOMIYA” — MAYOR BAYRON

Ni Clea Faye G. Cahayag

POSITIBO ang City Government of Puerto Princesa (CGPP) na malaki ang maitutulong ng nalalapit na Ironman 70.3 sa pagbangon ng ekonomiya at turismo ng lungsod dahil ang mga partisipante ay magmumula sa iba’t ibang bansa.

Ayon kay Punong Lungsod Lucilo Bayron inaasahang aabot sa mahigit isang libong partisipante ang tutungo sa lungsod dagdag pa rito ang mga miyembro ng kanilang pamilya na manunuluyan sa mga hotel at mamamasyal sa siyudad.

Aniya,sa kasalukuyan ay nasa 896 triathletes na ang nagparehistro kung saan mas mataas umano ang registration na ito kung ikukumpara sa huling Ironman na isinagawa sa Cebu.

“Itong Ironman tinitignan ko mag-aangat ng ating turismo at ekonomiya. At may posibilidad na maibalik niya ang dati nating tourism arrivals atsaka yung ating ekonomiya,” ang naging pahayag ng Alkalde sa flag raising ceremony ng City Government kaninang umaga.

“Itong mga athlete na ito titira sila sa mga hotel noong nandito si Princess Galura [Presidente ng Ironman Philippines] nagpresent sa atin nung launching [nai-booked] na nila ang 1,200 rooms dito sa Puerto Princesa para doon sa mga athletes na darating. So titira ito sa mga hotel at kakain ito sa mga pangunahing restaurants ibigsabihin mga moneyed people ito, mayroong purchasing power at kung handa silang gumastos sa araw-araw para sa hotel, para sa pagkain, para sa pasalubong at kung anu-ano pa talagang maiaangat yung ating ekonomiya atsaka yung ating turismo,” dagdag pa ng Alkalde.

Ang Ironman 70.3 ay isang long-distance triathlon. Ang “70.3” ay tumutukoy sa “total distance in miles” ng karera na binubuo ng 1.2- mile swim, 56- mile bike ride at 13.1- mile run.

Ang sports event na ito ay nakatakdang isagawa sa lungsod sa ika-13 ng Nobyembre taong kasalukuyan bilang bahagi ng selebrasyon ng Biodiversity festival o ang Puerto Princesa Underground River (PPUR) Day.

Related Articles

Back to top button
Close