CommunityPalawan Affairs

4Ps BROOKE’S POINT, NAGSAGAWA NG CASH CARD WITHDRAWAL

Ni Vivian R. Bautista

MULA noong ika-26 hanggang 28 ng Mayo taong kasalukuyan ay isinagawa ang Cash Card Withdrawal ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) -Municipal Operation Office ng Brooke’s Point, Palawan.

Aabot sa 4,441 na mga regular na benepisyaryo ang matagumpay na nabahaginan mula sa nasabing programa sa Bayan ng Brooke’s Point.

Ang mga Barangay na nabahaginan ay ang mga Barangay ng Tubtub, Poblacion 1 at 2, Pangobilian, Samariñana, Saraza, at Amas na naka-iskedyul noong ika-26 ng Mayo araw ng Huwebes.

Mga Barangay ng Malis, Salogon, Oring-Oring, Imulnod, Mainit, at Aribungos ang nabahaginan noong ika-27 ng Mayo araw ng Biyernes.

Mga Barangay ng Calasaguen, Maasin, Mambalot, Ipilan, at Barong-Barong naman ang nabahaginan noong araw ng Sabado ika-28 ng Mayo, 2022.

Ang naturang Cash Card Withdrawal ng 4Ps ay sakop umano ang buwan ng Pebrero hanggang Marso ngayong taon.

Ang 4Ps ay ang poverty reduction strategy ng gobyerno ng Pilipinas na ipinapatupad ng DSWD na kung saan ay nagbibigay ito ng conditional cash grants para sa mga karapat-dapat na mahihirap na sambahayang Filipino upang mapabuti umano ang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon ng mga batang may edad 0-18.

Related Articles

Back to top button
Close