HeadlinesHealthMetro PuertoTourism

ISANG SINGAPOREAN, NAGPOSITIBO SA COVID-19

Ni Clea Faye G. Cahayag

MAYROON na namang isang turista ang nagpositibo sa Covid-19 batay sa ibinahaging impormasyon ng City Information Office (CIO).

Sakay ng isang pribadong yate noong ika-25 ng Mayo taong kasalukuyan ang 30 indibidwal papunta sa Tubbataha park. Ito ay kinabibilangan ng 16 crew, 6 foreign tourists at 8 local tourists ngunit pagkaraan ng limang araw mayroong isang turista ang nagkaroon ng sore throat, isa sa sintomas ng nabanggit na virus.

Ito ay isang 43 taong gulang na babaeng Singaporean at fully vaccinated. Bunsod nito agad nagdesisyon ang pamunuan ng yate na bumalik na lamang sa lungsod noong Mayo 30.

At kinabukasan, Mayo 31 agad siyang isinailalim sa antigen testing at RT-PCR test kung saan lumabas sa parehong resulta na ito ay positibo sa Covid-19.

Ayon pa sa CIO, lahat ng close contact ng naturang turista ay pawang nagnegatibo naman sa pagsusuri.

Sa parehong araw din, nakipag-ugnayan sa City Incident Management Team (IMT) at ang turistang nagpositibo ay inilagay sa quarantine facility ng siyudad at nakatakdang lumabas sa Hunyo 6.

Related Articles

Back to top button
Close