BusinessHeadlinesMetro Puerto

MAG- INANG NEGOSYANTE SA PUERTO PRINCESA, ARESTADO SA KASONG PAGLABAG SA EXPANDED ANTI-TRAFFICKING IN PERSONS ACT OF 2012

Ni Kate Peredo

ARESTADO ng pulisya dahil sa kasong paglabag sa RA 10364 o Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 ang mag- inang negosyante noong Lunes ng hapon sa kahabaan ng Malvar St., Brgy. Mandaragat dito sa lungsod ng Puerto Princesa.

Base sa report mula sa Puerto Princesa City Police Office, kinilala ang mga naaresto na sina Edith Scheer Marshall @Edith at Vierna Scheer @Ayen/ Ai-Ai.

Inaresto ang mag-ina ng magkasanib na elemento ng PS1 at CIU, PCPPO (led unit) sa ilalim ng pangangasiwa ni PMAJ Jefrey G Abonales, OIC, CIU sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Leah E Delos Reyes Baguyo presiding Judge of RTC br. 48, Puerto Princesa City, Palawan dahil sa paglabag sa sec. 4, par. (a) and (e) ng RA 10364 in rel to sec.6 par. c ng RA 9208.

Ang warrant of arrest ay inisyu noong Mayo 31, 2022 at walang inirekomendang piyansa ang korte sa kinakaharap nilang kaso.

Samantala sa pahayag sa kaniyang facebook post, sinabi ng isa sa naaresto na si Verena,

“ Alam ng diyos ang totoo. kilala nyo ako. tuwid ang prinsipyo ko. Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin para malampasan ito. Please bare with me and my family. Hindi lahat ng nakikita natin sa balita ay totoo. Always remember na may 2 sides in every story and we will get a chance to tell ours. Walang drugs involved, pa drug test pa tayo kahit saan at kahit kailan-dugo pa sa dugo. Lying detector pa kung sino gusto maghamon and for the case, human trafficking ang case sa amin. 2 years na kaming hindi operational since March 2020 basta ang hirap ipaliwanag kasi nasa korte na lahat. We will get our chance to explain everything in our side” .

Related Articles

Back to top button
Close