CommunityPalawan AffairsPoliticsRegional

‘NO ELECTION-RELATED INCIDENT’ SA MIMAROPA SA BUONG ELECTION PERIOD- PNP

Ni Kate Peredo

Napanatili ng Police Regional Office MIMAROPA, sa pamumuno ni PBGen. Sidney Sultan Hernia, na walang election-related incidents (ERI) sa pagtatapos ng 157 araw ng election period noong Hunyo 8, 2022.

Base sa datos mula sa Regional Election Monitoring and Action Center (REMAC) at Regional Investigation and Detective Management Division (RIDMD), napanatili ng PRO MIMAROPA ang zero election-related incidents (ERI) ngayong taon kumpara sa 2016 at 2019 elections kung saan 8 at 3 ERI ang nangyari, ayon sa pagkakabanggit.

Humigit-kumulang 5,000 na tauhan ng PNP kasama ang Armed Forces of the Philippines at Philippine Coast Guard ang i-dineploy sa iba’t ibang probinsya at lungsod sa buong rehiyon upang bantayan ang 1, 555 polling precincts upang magkaroon ng ligtas at patas na local at national elections sa buong rehiyon.

Bago ang araw ng halalan, ang PRO MIMAROPA ay nagsagawa na ng mga programa at inisyatiba kaugnay sa mapayapang pagsasagawa ng NLE 2022, kabilang ang Unity Walks at Peace Covenant Signing, muzzle taping ng mga baril ng mga kandidato sa pulitika at kanilang mga security personnel, paglulunsad ng PNP KASIMBAYANAN, pinaigting na kampanya laban sa mga loose firearms, at “Synchronized COMELEC Checkpoints”.

Ibinunyag din ng REMAC na ang PRO MIMAROPA ay nakapagsagawa na ng kabuuang 53,074 COMELEC Checkpoints na pinagsama-samang isinagawa ng Armed Forces of the Philippines at may kabuuang 33 na naarestong mga indibidwal dahil sa paglabag sa COMELEC gun ban mula noong Enero 9 ng taong ito.

Ipinaabot ni PBGen. Hernia ang kanyang pasasalamat sa AFP, PCG, at Commission on Elections (COMELEC) para sa tiwala, at buong suporta sa pagtiyak ng mapayapa at ligtas na pagsasagawa ng halalan.

Pinasalamatan din ng MIMAROPA top cop ang mga local government units, miyembro ng komunidad, media, at lahat ng iba pang stakeholder sa kanilang pagbabantay, at kooperasyon na ipinaabot nila sa kapulisan mula sa simula ng kanilang paghahanda sa seguridad, at araw ng halalan hanggang sa mga huling araw ng panahon ng halalan.

Related Articles

Back to top button
Close