BusinessCommunityEnvironmentMetro Puerto

UNANG COMMUNITY STORE NG “JUANAFRESH”, BINUKSAN NA SA PUBLIKO

Ni Clea Faye G. Cahayag

MAAARI nang makapamili sa “Juanafresh”, isang tindahan ng mga sariwa at murang gulay at prutas na nagmula sa kabukiran ng lalawigan ng Palawan.

Ito ay binuksan noong ika-7 ng Hunyo taong kasalukuyan sa pangunguna ng Project Zacchaeus Cooperative (PZC) sa pakikipagtulungan ng Puerto Princesa City Agriculture Office at Department of Agriculture -MIMAROPA.

Ilan lamang sa kanilang mga ibinibentang produkto ay ang dahon ng sibuyas at tanglad, patatas, ampalaya, talong, kamatis, repolyo, carrot, luya, sili, pakwan at marami pang iba.

Ayon sa DA MIMAROPA, ang pangalang JuanaFresh ay bilang pagpupugay sa mga kababaihan na nagsusumikap para sa kinabukasan ng pamilya. Ang kauna-unahang community store ng JuanaFresh ay matatagpuan sa Abanico road, Barangay San Pedro, Puerto Princesa City.

Photo//DA MIMAROPA

Tinuran ni Dr. Celso Olido, hepe ng DA-MIMAROPA Agribusiness and Marketing Assistance Division (AMAD) sa pamamagitan ng programang ito ay mas mailalapit ang tulong at suporta ng Kagawaran ng Pagsasaka at mapagsisilbihan ang mga mamimili ng sariwa at abot-kayang presyo ng gulay at prutas.

Lubos naman ang pagsasalamat ni Charobel Velasco, isa sa mga kababaihan na mamamahala sa naturang tindahan dahil ito ay makatutulong sa kanilang kabuhayan.

Nangako naman ang Puerto Princesa City Agriculture Office na patuloy nilang susuportahan ang programang KADIWA dahil malaki ang naitutulong nito sa mga magsasaka.

Related Articles

Back to top button
Close