Palawan AffairsRegional

TOP NO.1 MOST WANTED PERSON NG MANDAUE CITY, CEBU NA MAY KASONG PAGLABAG SA RA 9262, ARESTADO SA PALAWAN

Ni Kate Peredo

Arestado ng mga awtoridad ang itinuturing na top 1 most wanted person (MWP) ng Mandaue City sa Central Visayas Region sa isang police manhunt operation sa Palawan noong Lunes, Hunyo 13, 2022.

Lumabas sa police report na si Milourd Beldua Suficiencia, 43, residente ng Cambaro Mandaue City ay nasakote sa joint law enforcement operation na pinangunahan ng mga operatiba ng El Nido Municipal Police Station kasama ang mga operatiba ng Police Station 5 ng Mandaue City Police Office, Provincial Intelligence Unit, at 2nd Provincial Mobile Force Company, parehong nasa ilalim ng Palawan Police Provincial Office sa Barangay Masagana, El Nido, Palawan.

Nahuli si Suficiencia sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Family Court, Branch 6 sa Mandaue City, Cebu, dahil sa paglabag niya sa Section 5 (i) ng R.A. 9262 o ang Anti-Violence against Women and their Children Act of 2004, na may inirekomendang piyansa na Php72,000.00.

Ang naarestong suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya para sa tamang disposisyon.

Pinuri ni Police Regional Office MIMAROPA Regional Director Police Brigadier General Sidney Sultan Hernia ang mga operatiba at iba pang unit ng PNP na nagbunsod sa pagkakaaresto sa nasabing wanted person at lalo pang hinikayat ang lahat ng unit commanders na manatiling walang humpay sa kampanya laban sa lahat ng taong wanted ng batas.

Related Articles

Back to top button
Close