FeatureMetro PuertoRegional

MGA APLIKANTE PARA SA CSE-PEN AND PAPER TEST, MAAGANG PUMILA SA CSC

Ni Clea Faye G. Cahayag

ALAS DOS pa lamang umano ng madaling araw ay mayroon nang pumila at matiyagang naghintay sa labas ng opisina ng Civil Service Commission (CSC) Field Office Palawan para makakuha ng slot para sa CSE- Pen and Paper Test (PPT).

‘First-come, first serve’ ang naging patakaran ng pamunuan sa mga nais mag-aplay ng nabanggit na eksaminasyon nilinaw din nila na wala silang pinaikot na listahan kanina kung saan ang bawat aplikante ay maglilista ng kanilang pangalan para makakuha ng slot, sa halip ay namigay sila ng numero batay sa pagkakasunud-sunod sa pila ng mga aplikante.

Ngayong ika-14 ng Hunyo taong kasalukuyan ang unang araw nang pagtanggap ng application form mula sa general public.

Ayon sa inilabas na impormasyon ng Cscfo Palawan sa kanilang facebook page, magtatagal hanggang ika-16 ng Hunyo ang kanilang pagtanggap ng aplikante ngunit ito ay nakadepende kung mayroon pang bakanteng slot para dito.

“We may stop accepting applications anytime, when the number of available slots can be accommodated by our testing venues have been reached,” batay sa kanilang fb post.

Ngayong araw ng Martes, nasa 206 aplikante ang kanilang tinanggap para sa CSE-Professional at 140 aplikante naman ang para sa CSE- SubProfessional.

Limitado lamang umano ang slots para sa general public dahil binigyang prayoridad ang mga unrefunded examinees na nakansela ang exam noong Marso 2020.

Samantala, para sa mga karagdagang anunsyo hinggil sa CSE- Pen and Paper Test sa darating na Agosto 7, 2022, antabayanan lamang ang kanilang facebook page na Cscfo Palawan.

Related Articles

Back to top button
Close