CommunityHeadlinesMetro Puerto

INTEGRATION NG ILANG PAARALAN SA LUNGSOD, INIREKOMENDA

Ni Clea Faye G. Cahayag

SA privileged speech ni City Councilor Victor Oliveros noong araw ng Lunes, ika-13 ng Hunyo taong kasalukuyan sa regular na sesyon ng Sangguniang Panlungsod inirekomenda nito ang integration ng ilang paaralan sa Puerto Princesa sa pamamagitan ng pagpapasa ng isang Resolution 1731- 2022 o a resolution strongly supporting and endorsing the integration of various schools under the City DepEd in order to efficiently carry out its mandate of educating Puerto Princesa Youth.

Ayon kay Oliveros, mayroong mga paaralan sa siyudad na magkalayo ang elementarya at sekondarya ng isang partikular na barangay at kung ito ay mai-integrate malaki ang adbentahe nito hindi lamang sa mga guro kundi maging sa mga estudyante at magulang.

“The integration would be for the advantage of the different schools in the different barangays where in we have situations, the school area is not really suitable considering the geographical condition like for example in Langogan, literally the Mababang paaralan there is literally mababang paaralan po and the integration of the elementary schools or elementary grades to the high school area would be advantage of not only of the schools but also of the students and parents,” ayon sa Konsehal.

Ani Oliveros, ang ganitong sitwasyon ay makikita rin sa mga paaralan na nasa Marufinas, Tagbarungis, New Panggangan, Tagburos, Talaudyong, Makandring, Bagong Bayan, Bual-Bualan, Kandes, Binduyan, Sta. Cruz at Concepcion kaya hiniling ng opisyal na ang mga ito ay maisama na ma-integrate.

Ang integration ng mga paaralang ito ay nauna na umanong hiniling ng City DepEd sa City Council dahil mayroon namang sapat na espasyo sa kani- kanilang barangay para sa nasabing layunin.

“There is an ample space in the schools that would be integrated so mainam na rin po ito at baka sakali po tayo po sa lalawigan ang mauna na mag-integrate ng mga eskuwelahan na magiging efficient po at magiging advantage po sa mga magulang, sa mga mag-aaral, sa mga barangay at sa pamahalaang panlungsod natin po,” ayon pa sa Kagawad.

Ang nasabing panukalang resolusyon ni Oliveros ay agad inaprobahan sa unang pagbasa at nakakalendaryo sa susunod na regular na sesyon.

Related Articles

Back to top button
Close