EventsHeadlinesMetro PuertoPalawan Affairs

COAST GUARD SPECIAL OPERATIONS FORCE – PALAWAN, LUMAHOK SA ISINAGAWANG BADGE PISTON 22-2 COURSE NG JOINT UNITED STATES MILITARY ASSISTANCE GROUP (JUSMAG)

Ni Vivian R. Bautista

LUMAHOK ang Coast Guard Special Operations Force – Palawan (CGSOF-PAL) sa isinagawang Badge Piston 22-2 Course ng Joint United States Military Assistance Group (JUSMAG) na ginanap sa Maritime Law Enforcement Training Center sa Magarwak, at sa Honda Bay, Barangay Sta. Lourdes, Lungsod ng Puerto Princesa.

Ang kursong pagsasanay ay naglalayon umanong bumuo ng kakayahan sa pagpapatakbo sa dagat, mapabuti ang partnership at interoperability sa mga miyembro ng Philippine Coast Guard, PNP-Maritime Group at United States Military Units, na base sa Facebook post ng Coast Guard District Palawan.

Dumalo sa nasabing seremonya sina Commander 2nd Special Operations Unit-PNP Maritime Group Palawan, PLTCOL Ricardo I. Dalmacia, Vice Chairman 2nd SOU Advisory Group, para sa Police Transportation and Development, Pastor Rex L. Diotay, Badge Piston 2022-02 Instructor Team Leader, Capt. Albert Dela Pena; Commanding Officer, CG LTJG Jonathan L. Morante, EOD Palawan, at si CG LTJG Nathaniel Abella.

Nagbigay naman ng kanyang lubos na pasasalamat sa JUSMAG si Commander, CGSOF, CG Commo. Edgardo T. Hernando para sa tulong nito sa pagtiyak na ang mga kasapi ng CGSOF ay makakakuha ng kinakailangang programa sa pagsasanay upang mapahusay ang kanilang mga kakayahan.

Photo//Coast Guard District Palawan

Nakakatulong din umano ito sa pagpapaunlad at pagpapalakas ng kanilang pakikipagtulungan at interoperability sa kanilang mga katapat sa unipormadong serbisyo.

Samantala, kasama rin umano sa naturang programa ng pagsasanay ang Visit, Board, Search and Seizure (VBSS), Sensitive Site Exploitation at ang Tactical Combat Casualty Care (TC3).

Ang JUSMAG ay nilikha alinsunod sa Military Assistance Agreement 10 na may petsang ika- 21 ng Marso taong 1947, sa pagitan ng gobyerno ng Republika ng Pilipinas at ng gobyerno ng Estados Unidos.

Gaya ng napagkasunduan, ang JUSMAG ay binubuo ng Air, Naval at Army group, at ang pangunahing tungkulin nito ay payuhan at tulungan ang Pilipinas sa usapin sa air force, army at naval.

Related Articles

Back to top button
Close