CommunityNational and International

U.S. PEACE CORPS, NAKIPAGTULUNGAN SA DEPED PARA SA MGA MAG-AARAL NA MAY KAPANSANAN SA ALBAY

Ni Vivian R. Bautista

PINONDOHAN ng United States Agency for International Development (USAID), ang inisyatiba na kinabibilangan ng 40 guro at 200 na mga estudyante mula sa Albay na bahagi ng isang serye ng mga aktibidad na naglalayong tiyakin umano na ang mga paaralan at ang kanilang mga kurikulum ay kabilang sa nasabing inisyatiba.

Base sa inilabas na Press Release ng U.S. Embassy in the Philippines, nakipagtulungan kamakailan ang U.S. Peace Corps sa Department of Education (DepEd) para bumuo at sumubok ng mga bagong assessment tools para sa mga mag-aaral na may mga kapansanan sa lalawigan ng Albay.

Ayon kay U.S. Peace Corps Philippines Country Director Jenner Edelman, “Inclusive education is a priority for DepEd and the U.S. Peace Corps, and our shared aim is to ensure that all learners with disabilities, receive a quality education.”

Photo//U.S. Embassy in the Philippines Information Office

Pinasalamatan ni Albay Schools Division Superintendent Dr. Norma Samanela ang U.S. Peace Corps at USAID para sa kanilang pakikipagtulungan at suporta, na nagsasabing “Sa pamamagitan ng pamumuhunan sa inclusive education sa Pilipinas, namumuhunan ka sa isang bagay na magpapabago sa buhay ng mga mag-aaral na may mga kapansanan.”

Ngayong nasa mababang panganib na ang Pilipinas mula sa COVID-19, nakatakda namang bumalik sa Pilipinas ang mga boluntaryo ng U.S. Peace Corps sa Enero 2023. Mahigit 9,300 boluntaryo ng American Peace Corps na umano ang naglingkod sa buong Pilipinas sa nakalipas na 60 taon kasama ng mga host community.

Noong Oktubre 1961, ang unang grupo ng Peace Corps Volunteers ay dumating sa Maynila upang magtrabaho sa buong bansa bilang mga guro sa wikang Ingles, matematika, at agham.

Related Articles

Back to top button
Close