EventsNational and International

EXERCISE MASA 22.1 NG U.S. MARINE CORPS AT PHILIPPINE MARINE CORPS, GANAP NANG NAGTAPOS

Ni Vivian R. Bautista

GANAP nang nagtapos ang dalawang linggong bilateral na pagsasanay ng U.S. Marine Corps (USMC) at Philippine Marine Corps (PMC) ngayong araw ng Biyernes ika-17 ng Hunyo taong kasalukuyan bilang bahagi ng Marine Aviation Support Activity (MASA) 22.1.

Base sa inilabas na Press Release ng U.S. Embassy in the Philippines, ginanap mula ika-6 hanggang 17 ng Hunyo sa Laoag City, Ilocos Norte at Antonio Bautista Air Base (ABAB) sa Palawan ang bilateral exercise.

Layon umano ng naturang ehersisyo na mapataas ang interoperability ng PMC at USMC at pahusayin ang mga kakayahan na may kaugnayan sa aviation bilang suporta sa mutual defense ng U.S.-Philippines.

“Training side by side increases our combined military capability, but also our frienship, which directly contributes to the strength of our alliance. This exercise builds on decades of cooperation, friendship, and shared experience,” ani U.S. Marine Forces Pacific Commanding General Lt. Gen. Steven Rudder.

“The MASA 22.1 exercise in Palawan is important for our Marine forces and aviators to enhance our effectiveness and readiness to protect our territory. It will also improve our interoperability with the U.S. Marine Corps and contribute to our longstanding alliance with the U.S. armed forces,” ayon kay PMC 3rd Marine Brigade Commander Brig. Gen. Jimmy Larida.

Photo//U.S. Embassy in the Philippines Information Office

Ang pagsasanay na ito ay minarkahan din ang isang unang makasaysayang inaugural deployment ng TPS-80 Ground/ Air Oriented Radar (G/ATOR) sa Pilipinas.

Sa tagal ng pagsasanay, ginamit ng Marine Air Control Squadron 4 ang G/ATOR sa Laoag City upang magbigay umano ng airspace surveillance at air defense bilang kooperasyon sa suporta sa theater security at pinahusay na bilateral na pagsasanay.

Kabilang din sa MASA 22.1 ang pinagsama-sama at magkasanib na interoperability na aktibidad gaya ng coastal defense, forward arming at refueling, at subject matter expert exchanges (SMEE) para sa maliliit na unmanned aviation system at engineering.

Ang mga kalahok sa ehersisyo ay nakibahagi rin sa isang High Mobility Artillery Rocket System (HIMARS) SMEE, na nagtapos sa isang praktikal na demonstrasyon.

Samantala, nakatakda din umanong ganapin sa ika-18 hanggang 22 ng Hulyo ngayong taon ang MASA 22.2, dito ay binalak na isama ang pinagsamang tactical at heliborne na pagsasanay sa pagitan ng USMC at PMC na magkasanib sa mga pagsasanay gaya ng taktika, pamamaraan para sa pag-utos at pagkontrol ng sasakyang panghimpapawid nang magkasama bilang suporta sa paglaban sa isa’t isa sa isang libre at bukas na Indo-Pacific.

Nasa mahigit 7,500 Volunteer ang nagsilbi sa Pilipinas mula noong 1961. Na kung saan ang ilang mga volunteer at dating kawani ng Amerika ay hindi na umalis ng bansa.

Related Articles

Back to top button
Close