CommunityEventsHeadlinesHealthMetro Puerto

PROGRAMANG “VAX ON D’ GO”, INILUNSAD NGAYONG HUNYO SA PUERTO PRINCESA

Ni Clea Faye G. Cahayag

NAGSIMULA na ang Puerto Princesa City Covac sa kanilang Mobile Covid-19 Vaccination Program o mas kilala sa tawag na “Vax-on d’ Go” matapos itong ilunsad noong ika-10 ng Hunyo taong kasalukuyan na ginanap sa tanggapan ng National Food Authority (NFA).

Ang programang ito ay inilaan para sa mga BLGUs, organisasyon, institusyon, establisyimento at pribadong sektor kung saan ang mga ito ay maaaring humiling na mabakunahan kontra Covid-19 ang kanilang mga empleyado.

“This strategy aims to provide the community a more convenient way of availing Covid-19 vaccination services. The vaccines and services are all free and government funded in service to the community,” batay sa PPC Covac.

Kabilang sa requirements na dapat hindi bababa sa sampung (10) katao ang magpapabakuna batay sa kahilingan ng isang partikular na tanggapan. Kinakailangan din na well-ventilated ang lugar na mayroong mga inilaang lamesa at upuan.

Binigyang diin naman ng tanggapan ang polisiyang “No minimum number of recipients” para sa mga bedridden at Immunocompromised na mga kliyente.

Ang mga nais mag-avail ng programa ay maaaring makipag-ugnayan sa mga numerong 0970-8104-319 (SMART) at 09050462095 (GLOBE). Maaari din magpadala ng mensahe sa kanilang email na PPCvaxonthrgo@gmail.com. Sila ay bukas mula alas otso ng umaga (8:00 AM) hanggang alas singko ng hapon (5:00 PM).

Related Articles

Back to top button
Close