BusinessCommunityHeadlinesPalawan Affairs

PAGPAPAILAW SA SITIO CAWILI SA CAGAYANCILLO, MAISASAKATUPARAN NA

Ni Clea Faye G. Cahayag

Noong ika-15 ng Hunyo ay lumagda na sa isang Memorandum of Undertaking (MOU) ang Department of Energy (DOE), Palawan Electric Cooperative (Paleco) at lokal na pamahalaan ng Cagayancillo para sa pagpapailaw ng Sitio Cawili, Barangay Magsaysay sa munisipyo ng Cagayancillo.

Ang paglagda sa kasunduan ay pinangunahan nina DOE Felix William B. Fuentebella, Supervising Undersecretary for the Renewable Energy Management Bureau (REMB), Mayor Sergio S. Tapalla ng Cagayancillo, Chairperson Jeffrey Y. Tan-Endriga ng Paleco at sinaksihan ni Atty. Jeffrey Sahagun na kinatawan mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Ang seremonya ay isinagawa sa Marquis Events Place, Bonifacio Global City, Taguig City kaalinsabay sa aktibidad ng DOE na “Working for an Empowered Pilipinas: A bigshow on Renewable Energy Development”.

Photo//Paleco

Batay sa Paleco, sa ilalim ng Development for Renewable Energy Application Mainstreaming and Market Sustainability (DREAMS) Project ng ahensya katuwang ang United Nations Development Programme at Global Environment Facility naging posible ang proyektong pagpapailaw kung saan mabebenepisyuhan ang 120 residente ng naturang lugar sa pamamagitan ng 34.85 kW Smart Grid Solar PV.

Maliban sa Sitio Cawili, benepisyaryo din ng proyektong DREAMS ang Smart Grid Solar PV Household Electrification and Irrigation sa Sitio Bubusawin, Barangay Aporawan, Aborlan. Ang mga lugar na ito ay sakop ng prangkisa ng Paleco na hindi pa naaabot ng mga linya.

Samantala, pumirma din si Endriga sa Statement of Commitment bilang pagpapakita ng suporta sa kampanya ng DOE sa pagsusulong ng renewable energy.

Related Articles

Back to top button
Close