BusinessCommunityFeatureNational and International

CDA VARIAVA, BUMISITA SA CLARK FREEPORT AREA UPANG I-HIGHLIGHT ANG U.S. INVESTMENTS, SUPPORT FOR ECONOMIC DEVELOPMENT

Ni Vivian R. Bautista

G

BUMISITA noong ika-17 ng Hunyo taong kasalukuyan si U.S. Embassy in the Philippines Chargé d’ Affaires ad interim (CDA) Heather Variava sa Clark Freeport at Special Economic Zone upang i-highlight umano ang epekto at suporta ng U.S. sa pag-unlad ng ekonomiya sa Central Luzon.

Base sa inilabas na Press Release ng U.S. Embassy in the Philippines, tinalakay umano ni CDA Variava ang epekto ng mga namumuhunan sa Central at Northern Luzon na mula pa sa U.S., matapos siyang makipagpulong sa American Chamber of Commerce.

Ang mga kumpanya ng U.S. ay lumilikha umano ng libu-libong lokal na trabaho, pinapahusay ang pag-unlad ng ekonomiya ng rehiyon, at nagsasagawa din ng mga gawaing kawanggawa na nakakatulong umano na mapabuti ang buhay ng mga residente sa lugar.

“As President Biden said during the launch of the Indo-Pacific Economic Framework, the future of the 21st century economy is going to be largely written in our region the Indo-Pacific,” ani variava.

“This why we are grateful for the investment that are being poured into the Philippines by American businesses, which support our longstanding commitment to the shared prosperity of our two nations,” dagdag pa niya.

Photo//U.S. Embassy in the Philippines Information Office

Nagpahayag din si CDA Variava ng kanyang suporta para sa Philippine Disaster Relief Foundation (PDRF), na gumagamit ng mga mapagkukunan at kaalaman mula sa komunidad ng mga negosyo sa Pilipinas upang tumugon sa mga natural na sakuna tulad ng bagyong Odette noong nakaraang taon.

Bumisita din si CDA VARIAVA sa mga pangunahing proyektong imprastraktura, kabilang na ang bagong Clark International Airport Terminal at ang Malolos-Clark railway project, na magbabago umano ng transportasyon sa Metro Manila at Clark regions.

Ang proyekto ng riles ng Malolos-Clark na pinondohan ng Asian Development Bank (ADB) ay lilikha umano ng libu-libong lokal na trabaho, magpapagaan ng pagsisikip ng trapiko, at magbabawas ng mga emisyon ng sasakyan ng aabot sa sampu-sampung libong tonelada.

Ang United States ang pinakamalaking shareholder sa ADB at sinusuportahan ang pagsisikap ng Pilipinas na mapabuti ang mga resulta sa kapaligiran sa pamamagitan ng pagbabawas ng greenhouse gas emissions.

Related Articles

Back to top button
Close