CommunityEnvironmentMetro Puerto

WATER INTERRUPTION BUKAS, MAGSISIMULA NG 2:00 PM HANGGANG 5:00 AM

Ni Clea Faye G. Cahayag

NAG-ANUNSYO ang Puerto Princesa City Water District (PPCWD) na magkakaroon ng water interruption o pansamantalang pagkaantala ng daloy ng tubig sa ilang barangay sa lungsod.

Ayon sa pamunuan, mawawalan ng tubig bukas, araw ng Martes dakong alas dos ng hapon (2:00 PM) at magtatagal hanggang alas singko ng umaga (5:00 AM) ng ika-22 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Apektado ng water interruption ang tatlong barangay sa siyudad na kinabibilangan ng barangay Iwahig, barangay Montible at Purok New Princesa at Purok Sandiwa sa barangay Tiniguiban.

Makararanas naman ng low pressure o mahinang suplay ng tubig ang barangay Irawan, barangay Sicsican, barangay Sta.Monica, ilang bahagi ng barangay Tiniguiban, barangay San Manuel, barangay San Pedro, barangay San Miguel at ilan pang lugar sa city proper.

Paliwanag ng water district, ito ay upang maipagpatuloy ang pagkukumpuni sa 900mm diameter transmission line sa kahabaan ng barangay Iwahig, pagkakabit ng 300mm diameter blow-off valve sa PIADP sa barangay Irawan at upang bigyang daan ang interconnection ng 900mm diameter transmission line sa UV Project.

Kaugnay nito, humingi ng paumanhin ang pamunuan at pinaabisuhan ang mga residente ng apektadong mga lugar na mag-imbak ng tubig na maaaring magamit sa oras ng ipatutupad na water interruption.

Related Articles

Back to top button
Close