EntertainmentEventsMetro PuertoPalawan Affairs

COAST GUARD DISTRICT PALAWAN, NANGUNA SA SHOOTING TEAM SA 1ST CITY DIRECTOR’S CUP 2022

Ni Vivian R. Bautista

NAGWAGI ng apat (4) na parangal mula sa PCOL Roberto M. Bucad 1st City Director’s Cup 2022 Shooting Competition ang koponan ng Coast Guard District Palawan (CGDPAL) na binubuo ng Coast Guard Special Operation Group Palawan (CGSOG-Pal) at Coast Guard K9 Field Operating Unit (CGK9FOU) Palawan.

Ang nasabing kumpetisyon ay ginanap mula noong ika-17 hanggang 19 ng Hunyo taong kasalukuyan sa Iwahig Prison and Penal Farm Firing Range sa Barangay Iwahig lungsod ng Puerto Princesa.

Base sa Facebook post ng CGDPAL, nasungkit umano ng kanilang shooting team ang kabuuang Kampeon sa Team Category na binubuo nina CG LTJG Nathaniel P. Abella, CG PO1 Sam Alcanzare, CG PO2 Rommel Fernandez, CG PO2 Jonathan Drio at CG SN1 Wilson Escobanez.

Photo//Coast Guard District Palawan

Habang nagwagi si CG LTJG Nathaniel Abella bilang Lawman Classic Division 2nd Runner Up at ginawaran bilang Champion in Law Man Production at 1st Runner Up naman sa Aggregate Production sa nasabing torneo si CG PO1 Sam Alcanzare.

Ang Shooting sports ay isang uri ng aktibidad sa paglilibang na pang-isports na kinabibilangan ng mga pagsubok sa kahusayan ng katumpakan at bilis sa pagbaril na kung saan ang mga kalahok ay pawang mga propesyonal na sa paghawak at paggamit ng iba’t-ibang uri ng baril.

Related Articles

Back to top button
Close