CommunityHeadlinesMetro Puerto

ILANG LUGAR SA LUNGSOD, MAWAWALAN NG KURYENTE BUKAS

Ni Clea Faye G. Cahayag

PANSAMANTALANG mawawalan ng elektrisidad bukas ng umaga, araw ng Martes ang ilang kahabayan sa lungsod ng Puerto Princesa.

Batay sa paabiso ng Palawan Electric Cooperative (Paleco) simula alas siyete ng umaga (7:00 AM) hanggang alas dose ng tanghali (12:00 NN) mawawalan ng daloy ng kuryente ang Dagomboy Village, Barangay San Manuel; Rengel Road, PENRO, VRC, Abrea Road, Manalo Extension, Gabinete Road, Camella Homes, Jacana Road, Villarosa Road, Canigaran Road, Abueg Road at barangay Bancao-Bancao.

Maliban dito, apektado rin bukas ng isang oras naman na brownout ang Baltan Street, Runway, Junction 1, Barangay San Miguel; Lacao Street, Rizal Avenue, Barangay Manggahan at Model; Lagan Street.

Ang power interruption bukas, ika- 21 ng Hunyo ay upang bigyang daan ang pagpapalit ng insulated conductors.

Sa Hunyo 24, 2022 naman ay apektado ng brownout ang Naval Road, 570th, Gen. Madrid Road, Naval District IV, Naval Village at Rosas Street. Ito ay magsisimula ng alas siyete pa rin ng umaga (7:00 AM) hanggang alas dose ng tanghali (12:00 NN) sa parehong dahilan pa rin.

Pagsapit naman ng ika-28 ng Hunyo simula 7:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali mawawalan naman ng kuryente ang Lacsamana Circuit kung saan apektado ang mula JIL hanggang Palawan State University (PSU). Ang Lacsamana Recloser papuntang Legend Hotel, Nadayao Road at Abanico Road ay mawawalan ng kuryente pagpatak ng 7:00 AM at magtatagal hanggang 9:00 AM dahil pa rin sa replacement ng insulated conductors.

At sa Hunyo 30 naman, magkakaroon ng brownout pagsapit ng alas otso ng umaga (8:00 AM) at maibabalik ang kuryente alas dose ng tanghali (12:00 NN) kung saan apektado nito ang ilang bahagi ng Poblacion Circuit mula HTU hanggang PPA dahil naman sa isasagawang clearing operation.

Kaugnay ng mga nabanggit na power maintenance schedule, humingi ng paumanhin ang Paleco sa lahat ng maaapektuhan ng brownout.

Para naman sa iba pang mga katanungan maaaring tumawag sa mga numerong 433-2001, 09175532836 at 09989937849.

Related Articles

Back to top button
Close