CommunityEnvironmentEventsMetro Puerto

PISTA Y ANG KAGUEBAN, MULING ISASAGAWA NGAYONG HULYO

Ni Clea Faye G. Cahayag

KINUMPIRMA ni Mayor Lucilo Bayron na muling magsasagawa ngayong taon ng Pista Y Ang Kagueban ang lokal na pamahalaan ng Puerto Princesa.

Aniya, dahil gipit na ang panahon para sa preparasyon nito, ito ay target isagawa ngayong buwan ng Hulyo.

“Nagmeeting tayo ng ating City ENRO para sa Pista Y Ang Kagueban 2022 yung buod ng napagmetingan ay hindi naman kailangan sundin yung nakaraan natin na tradisyon na last Saturday ng June kasi gipit na [sa panahon], pinaplastar pa, pwede naman kahit sa July this time,” ang pahayag ng Alkalde matapos ang flag raising ceremony noong araw ng Lunes, ika-20 ng Hunyo.

Tinuran din nito, na planong isagawa ang pagtatanim sa mga barangay sa lungsod na lubhang naapektuhan ng nagdaang bagyong Odette.

“So, hinahanda nila Atty. Carlo, pakisubmit lang sa akin yung final na proposal. Kasi ang proposal nila doon natin gawin sa mga barangays na nasalanta ng typhoon Odette. Involve natin yung mga residente at syempre magiging maganda kung yung mga different offices ng City Government ikalat natin sa iba’t ibang barangay para may representation yung City Government ng Puerto Princesa,” dagdag pa nito.

Binigyang diin din ng opisyal na ngayong taon lamang ito isasagawa ng Hulyo at sa susunod na taon ay ibabalik na ito sa orihinal na petsa, tuwing huling Sabado ng Hunyo.

“Pero after this time, after this year dapat babalik tayo sa dati nating tradisyon na last week ng June, last Saturday ng June,” aniya pa.

Sa panayam naman ng programa ng City Tourism Office kay G. Gerry Reyes, tagapagsalita ng City ENRO sinabi nito na ang Pista Y Ang Kagueban ay target umanong isagawa ngayong Hulyo 2 at pitong barangay sa norte na lubhang nasira ng bagyo ang napili umanong lugar para dito, kabilang na ang Langogan.

Kinokonsidera naman ng kanilang tanggapan na ang mga itatanim na puno ay yaong mga species na nagsusuporta sa ating wildlife.

Matatandaan, dalawang taon na ang nakalipas nang huling makapagsagawa ng nabanggit na aktibidad dahil sa banta ng pandemyang Covid-19.

14,000 seedlings ang matagumpay na naitanim noong 2019.

Related Articles

Back to top button
Close