Metro Puerto

TATLONG SUSPEK SA PAGPATAY SA ISANG ESTUDYANTE SA BGY. SAN JOSE, MAHAHARAP SA KASONG MURDER

Ni Kate Peredo

Mahaharap sa kasong murder ang tatlong suspek na responsable sa pagpatay sa 17- anyos na estudyanteng biktima na si Tristan Padon Madera na nangyari noong Sabado ng gabi sa Casuy Rd., Brgy. San Jose, Puerto Princesa City.

Ayon kay Police Major Joy Iquin, tagapagsalita ng Puerto Princesa City Police Office, ang dalawa sa suspek ay nahuli na at kinilalang sina Joshua Ponce De Leon Carandang at Edwin Doce Eleazar habang nananatiling at large ang isa pa sa suspek na si John Gerald Espiritu.

Si Carandang ay nahuli sa Purok Puloy, Bgy. Bagong Sikat habang si Eleazar ay nagtungo sa Police Station 1 at doon na siya tinuro ng mga testigo.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, naglalakad ang biktima at mga kasama nito pauwi nang dumating ang mga suspek sakay ng motorsiklo at sinuntok ng isa sa mga suspek ang biktima.

Tumakbo ang biktima at ang kanyang mga kasama, ngunit hinabol sila ng mga suspek, inatake, saka pinagsasaksak ang biktima.

Isinugod sa Ospital ng Palawan ang biktima ngunit binawian ng buhay noong Hunyo 19.

Related Articles

Back to top button
Close