CommunityPalawan Affairs

13 ENUMERATORS, IDEDEPLOY NG DOLE PALAWAN FIELD OFFICE PARA MAG-PROFILE NG MGA CHILD LABORER SA LALAWIGAN NG PALAWAN

Ni Vivian R. Bautista

NOONG ika-10 ng Hunyo ngayong taon ay nagsimula nang mag-deploy ng mga enumerator ang Department of Labor and Employment – Palawan Field Office, upang magtala o mag-profile umano ng nasa halos 3000 child laborer sa lalawigan ng Palawan.

Base sa Facebook post ng Batang Malaya Palawan, idi-deploy umano sa kani-kanilang mga munisipyo ang labintatlong (13) Enumerators na mula sa iba’t ibang bayan ng Palawan upang magsagawa ng profiling activity o pagtatala ng mga batang manggagawa.

Samantala, nagsagawa naman ng Orientation ukol sa profiling activity ng Child Labor Prevention and Elimination Program o CLPEP ang DOLE Palawan Field Office noong ika-13 ng Hunyo para sa 13 na Enumerators upang lubos nilang maunawaan ang programa at maging handa ang mga ito sa pagsisimula ng profiling activity sa iba’t ibang bahagi ng Palawan.

Sa survey noong 2011 na isinagawa ng Philippine Statistics Authority, tinatayang 2.1 milyong bata na may edad 5 hanggang 17 taong gulang ang nasangkot sa child labor at 97.7% sa kanila ay nasa mapanganib na child labor.

Gayunpaman, ang datos ay hindi nagbibigay ng mga pangalan at lokasyon ng mga child laborer.

Sa kanyang kautusan, inatasan ni Bello ang DOLE Regional/Field Offices na pagsama-samahin ang data mula sa mga social partners nito para sa pagkilala at pag-profile ng mga target na child laborers upang masuri ang kanilang mga pangangailangan at higit pang i-refer sa mga kinauukulang ahensya para sa pagkakaloob ng mga serbisyo at tulong na kailangan ng mga bata at kanilang mga pamilya.

Ang profiling ng mga target na child laborers ay magmumula sa National Household Targeting System for Poverty Reduction ng Department of Social Welfare and Development at sa pamamagitan ng Community Based Monitoring System na ipinatutupad ng iba’t ibang local government units.

Related Articles

Back to top button
Close