HeadlinesMetro PuertoPolitics

TATLONG OUTGOING CITY COUNCILORS NG LUNGSOD, ITATALAGANG DEPUTY MAYOR

Ni Clea Faye G. Cahayag

SA flag raising ceremony kahapon ng City Government, araw ng Lunes ika-20 ng Hunyo taong kasalukuyan, inanunsyo ni Punong Lungsod Lucilo Bayron na itatalagang mga deputy mayor ang tatlong outgoing City Councilors ng Puerto Princesa na sina City Councilor Victor Oliveros, City Councilor Roy Ventura at City Councilor Matthew Mendoza.

“Karamihan naman sa kanila ay babalik sa 17th council, yung tatlo naman si Konsehal Bitoy, Konsehal Roy at Konsehal Matt ay kukunin natin bilang Executive Assistant IV para i-designate natin na ating deputy mayor,” ang naging mensahe ni Bayron.

Dagdag pa ng Alkalde, ang tatlong opisyal na nabanggit ay bibigyan din ng iba pang “special assignments” upang tutukan ang iba’t ibang proyekto ng lokal na pamahalaan.

Samantala, kahapon din ang huling araw ng regular na sesyon ng 16th council ng Puerto Princesa kung saan sina Oliveros, Ventura at Mendoza ay nagpaabot ng kanilang pasasalamat sa kanilang mga kasamahan sa konseho gayundin sa kanilang mga taga-suporta.

Sila ay naging konsehal ng lungsod sa loob ng tatlong termino o katumbas ng siyam (9) na taon simula taong 2013 hanggang ngayong 2022.

Related Articles

Back to top button
Close