EventsFeaturePalawan Affairs

PRC PALAWAN, TUMANGGAP NG GOVERNOR’S AWARD

Ni Vivian R. Bautista

BILANG bahagi ng Baragatan sa Palawan Festival 2022 at ng 120th Founding Anniversary ng Civil Government of Palawan, ikinararangal ng Philippine Red Cross – Palawan ang pagkilala sa kanila sa Gabi ng Parangal na ginanap noong ika-21 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Base sa Facebook post ng PRC-Palawan Chapter, ang Plaque of Recognition ay tinanggap nina Agnes Melinda T. Beronio, OIC – Chapter Administrator at ni Mark Andrew Sandoval, CSR-Disaster Management and Health Services.

Naroon din sa naturang kaganapan ang iba pang mga awardees mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno at non-government sa Palawan na nagpakita umano ng suporta at pangako sa mga programa at proyekto ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan sa pamumuno ni Gobernador Jose Ch. Alvarez.

Ayon sa PRC-Palawan, ibinabalik nila ang karangalan at pasasalamat sa lahat ng mga volunteers, partners at donors na patuloy umanong sumusuporta sa mga programa at aktibidad ng PRC sa Lalawigan ng Palawan.

Ang Philippine Red Cross ay tunay na naging pangunahing organisasyong makatao sa bansa, na nakatuon sa pagbibigay ng mga de-kalidad na serbisyong nagliligtas ng buhay na nagpoprotekta sa buhay at dignidad lalo na ng mga mahihirap na Pilipino sa mga mahihinang sitwasyon.

Sa kasalukuyan, ang Philippine Red Cross ay nagkakaloob ng anim (6) na pangunahing serbisyo: Blood Services, Disaster Management Services, Safety Services, Health Services, Social Services, Red Cross Youth at Volunteer Services.

Related Articles

Back to top button
Close