EntertainmentEventsFeatureHeadlinesPalawan Affairs

PAMBATO NG BUSUANGA NA SI PAOLA GIGI BLASSELLE, ITINANGHAL NA MUTYA NG PALAWAN 2022

Ni Saldivar P. Nagamacho

KINORONAHANG Mutya ng Palawan 2022 si Paola Gigi Blasselle ng bayan ng Busuanga sa katatapos lang na Grand Coronation Night ng pageant na ginanap sa PGP Convention Center ng ika-22 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Tinalo ni Mutya ng Busuanga ang 19 iba pang kandidata mula sa iba’t ibang munisipyo ng lalawigan ng Palawan para sa iisang titulo- ang Mutya ng Palawan 2022.

Nagpakitang gilas si Blasselle sa question and answer portion may kinalaman sa hashtag social media na kung saan hangarin ng kandidata ang makapagbigay ng inspirasyon sa mga kapus-palad na kabataan.

“As a woman joining this pageant, social media is a great way of sharing to the people that beauty is not only attraction but can be used as a platform too. For me, the social media is to share the platform of my advocacy for the children with impediments, I want to give them a chance of having a better life, and regardless of their impediments… they are just like us that have dreams and aspirations to become the best version… the platform of social media is a great way to help the children as well,” ani ni Blasselle.

Naiuwi ng 19- taong gulang na dalaga ang South Sea Pearl crown na sinasagisag ang pagiging isang Palaweña na kung saan ipinagkaloob ng kilalang international luxury brand na Jewelmer sa Pamahalaang Panlalawigan.

Photo//PIO

Siya ay tumanggap rin ng tumataginting na premyong P100,000.00 at halagang P15, 000.00 para sa pagkakapanalo ng Best in Evening Gown.

Ayon sa tanggapan ng impormasyon ng kapitolyo, ang pambato ng bayan ng Taytay na si Fritzie Mendoza ang hinirang na Mutya ng Palawan Tourism at naiuwi nito ang P75,000.00 cash prize habang kinilala naman si Kristin Mae Santos ng San Vicente bilang Mutya ng Palawa North at si Lian Dale Ballena ng Puerto Princesa City ang Mutya ng Palawan South na kapwa tumanggap ng tig P50,000.00 samantalang inanunsyong first runner up si Gillean Jagmis ng Cuyo na nag-uwi naman ng P30,000.00.

Nakakuha naman ng minor awards ang kandidata ng El Nido na si Eliza Mae Castaño bilang Best in Festival Costume na may P20,000.00 cash prize habang first runner up ang Mutya ng Taytay na tumanggap ng P10,000.00 at second runner up naman ang Mutya ng Cuyo na pinagkalooban ng P5,000.00.

Best in Talent si Rona Sadang ng Brooke’s Point na may cash prize na P15,000.00 habang Miss Friendship si Kyla Catrina De Luz ng Cagayancillo na may cash prize na P10,000.00. Hinirang na Coca-Cola Best in Swimsuit si Yvonne Rodriguez ng Araceli na may cash prize na P15,000.00 at Miss Photogenic naman si Jirah Ayunan.

Ayon kay Office of the Governor Chief of Staff Ceasar Sammy Magbanua, ang prestihiyosong Search for Mutya ng Palawan ay isa sa mga nakakapukaw-interes sa publiko sa mahabang na panahon ng pagdiriwang ng Baragatan sa Palawan Festival.

Related Articles

Back to top button
Close