EnvironmentHeadlinesMetro PuertoPalawan Affairs

PCSDS ED MATTA, PINABULAANAN ANG ALEGASYON NG SAVE PALAWAN MOVEMENT

Ni Clea Faye G. Cahayag

Ang Strategic Environmental Plan (SEP) ay layunin na pangalagaan ang biodiversity ng Palawan at magkaroon ng sustainable development sa pamamagitan ng Environmentally Critical Areas Network (ECAN) ngunit ayon sa Save Palawan Movement, isa sa mga nagsusulong ng sustainable development tila nalilihis umano ang tunay na layunin ng batas na ito dahil di umano pinapayagan lamang nito ang mga proyektong minahan sa lalawigan.

Sa panayam ng lokal na midya kay Atty. Teodoro Jose Matta, Executive Director ng Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) nilinaw nito na walang kinikilingan ang SEP law lalo na kung para sa kapakanan ng mga Palawenyo.

Ani Matta, sa loob ng 30 taong anibersaryo nito napakaraming programa ang naibigay ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) sa hanay ng fisheries, wildlife protection, agrikultura at edukasyon.

“Obviously hindi nila alam ang trabaho namin at hindi nila alam yung mga ginawa namin sa mga nakaraang dekada. Bago pa ako makapasok ng PCSD alam ko na, napakaganda ng programa ng PCSD. Remember that Palawan is not mainly for conservation, it’s for the Palawenyo, para sa mga taong bayan ito and its development. Yung kapakanan ng mga mamamayan ang nasa puso ng SEP law,” aniya.

Bagamat bukas sila sa kritisismo o mga pagpuna, hinamon nito ang grupo na suriin ang mga impormasyon na kanilang ibinabato.

“Alamin lang nila, if they engage us we can educate them on what we have done and what we are doing and what we will do. We don’t take it personally if they criticize us, nakakabuti po yan but maybe perhaps yung ibang statement nila they can fact check it because may mga mali,” dagdag pa ni Matta.

Aniya, wala ring katotohanan ang alegasyon ng grupo na di- umano kinikilingan nila ang mga proyektong minahan. Ani Matta, kung wala ang SEP law, malamang ay ubos o kalbo na ang mga kagubatan sa Palawan.

“Wala tayong kinikilingan as far as the core zones are concerned kung core zones yan, ke-mining company yan o hindi, hindi namin yan pinapayagan. Now, Almaciga kasi kung above 1000 meters ka talaga “No human activity” dapat dyan kahit mining companies above 1000 meters di namin pinayagan yan and we will continue to stop them there, core zone po yan nasa batas po yan,” paglilinaw pa ni Matta.

“Mining is only .07 %, wala pang 1% ng landmass ng Palawan is dedicated to mining at yung .07 % na yan hindi pa yan lahat mining, meron yang mga rehabilitation areas, may mga storage areas, may mga buildings dyan hindi yan lahat extractive pero just because 0.7% dedicated to mining ay napakaliit hindi ibigsabihin eh careless na tayo,” ayon pa kay Matta.

Aniya pa hindi lamang sila ang decision makers, ito ay multi-level kasama din nila ang mga munisipyo at ang Department of Labor and Employment (DENR) kung saan dumadaan sa maraming checks and balances ang isang proyektong minahan.

Related Articles

Back to top button
Close