CommunityHeadlinesHealthMetro Puerto

78.1% NG POPULASYON, FULLY VACCINATED NA

Ni Clea Faye G. Cahayag

SA pinakabagong datos ng Puerto Princesa City Covac (PPC Covac) umabot na sa 189,126 ang kabuuang populasyon sa lungsod ang nabakunahan kontra Covid-19.

Sa bilang na ito, 182, 476 o katumbas ng 78.1% ang fully vaccinated na habang 6,751 indibidwal pa ang naghihintay para sa kanilang second dose.

Ayon pa sa kanilang talaan, 156,324 ang naibigay na first dose at 182,476 naman ang second dose at sa booster, 33, 434 ang first dose at 2,097 ang second dose na may total jabs na 374, 331 doses.

Batay naman sa Vaccination Rollout Per Priority Group ng pamunuan noong ika-17 ng Hunyo taong kasalukuyan ang bilang ng nabakunahang Health Care Worker ay 6,744, OFW/pamilya ng HCW- 2,670, Senior Citizens- 15,740, With Comorbidities- 16,133, Pregnant- 417, Pediatric A3 (5-11)- 102, Pediatric A3 (12-17)- 782, Essential Worker- 72,034, Indigent- 8,980, ROAP (ADULT)- 37,837, ROPP (5-11)- 3,349 at ROPP (12-17)- 24, 337.

Nasa 233,662 naman ang target na mabakunahan para makamit ang herd immunity.

Samantala, bilang pakikiisa sa paggunita ng “Foundation of the First Civil Government of the Province of Palawan after American-Philippine War”, ipinabatid ng PPC Covac na walang iskedyul ng pagbabakuna ngayong araw ng Huwebes, ika-23 ng Hunyo.

Ang pagbabakuna ay ipagpapatuloy bukas, araw ng Biyernes, ika-24 ng Hunyo.

Related Articles

Back to top button
Close