CommunityEnvironmentEventsMetro PuertoPalawan Affairs

IKA-30 TAONG PAGSASABATAS NG STRATEGIC ENVIRONMENTAL PLAN, IPINAGDIRIWANG

Ni Vivian R. Bautista

NOONG ika-19 ng Hunyo taong kasalukuyan ay ipinagdiriwang ng Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) ang ika-30 taong pagsasabatas ng Republic Act 7611 o mas kilala bilang Strategic Environmetal Plan (SEP) for Palawan Act.

Ang selebrasyon ay sinimulan sa pamamagitan ng isang misa na ginanap sa SM Puerto Princesa City na pinangunahan ni PCSDS Executive Director Atty. Teodoro Jose Matta kasama ang iba pang mga kawani ng PCSD.

Ito ay dinaluhan rin nina Deputy Executive Director & Director for Externally Funded Programs Pilipinas Shell Foundation, Inc., Marvi Trudeau, Puerto Princesa Subterranean River Park Superintendent Elizabeth Maclang, Tubbataha Management Office Research Officer Retchie Pagliawan-Alaba, Board Member Ferdinand Zaballa, DENR PENRO Felizardo Cayatoc at City ENRO Atty. Carlo Gomez.

Tema nito ngayong taon ang Driving Three Decades of Sustainable Development bilang pagkilala sa mga pagsisikap at tagumpay ng PCSD sa nakalipas na 30 taon, gayundin ang mga hamon na kinakaharap at kasalukuyang kinakaharap ng ahensya.

Sa ilalim ng pagdiriwang na ito, nagsagawa rin ng iba’t ibang aktibidad gaya ng tree planting activities sa iba’t ibang munisipalidad, IEC campaigns sa iba’t ibang barangay, at photo/ digital exhibit.

Inilunsad rin ang SEP Coffee Table Book na ayon kay Matta, naglalaman ng legasiya ng Strategic Environmental Plan ng Palawan.

“This is the history of SEP, yung heritage natin, our legacy…there are already several generations of Palawenyos have served under PCSD and have given the best parts of their lives for the Palawenyos. All the good work and the good people who worked for Palawan are also featured there,” ani Matta sa panayam ng midya.

Ibinahagi din nito na mayroon silang binabalangkas na panukalang batas upang mas lalong paunlarin ang RA 7611 at magbibigay pangil sa pangangalaga sa kalikasan at mga buhay-ilang at pagbibigay ng economic at cultural security sa lalawigan.

Aniya pa, makakaasa sa mga susunod pang taon ng isang mas malakas na PCSD at mas malakas na Palawenyo sa tulong na rin ng bagong administrasyon.

“We are PCSD, committed to serve Palawan and the Palawenyos, and we invite all of you to work and support us. Let’s truly save Palawan with positive action and constructive cooperation, “ ang pagtatapos na mensahe ng opisyal.

Related Articles

Back to top button
Close