EnvironmentFeature

‘CELESTIAL PARADE’

Ni Saldivar P. Nagamacho

Good vibes mga skywatchers! Nakita sa bihirang pagkakataon ang paglilinya-linya sa kalangitan ng parade of planets.

Bagamat inaasahang masaksihan ang paghihilera ng limang planeta na kinabibilangan ng mercury, venus, mars, jupiter at saturn ay apat na planeta lamang ang nakita ngayong Biyernes, ika-24 ng Hunyo taong kasalukuyan.

Sa larawang ibinahagi ng DOST PAG-ASA ngayong umaga, nasaksihan kaninang madaling araw bago sumikat ang araw ang ‘rare parade of planets’ sa kanilang orbital order mula sa Sun.

Nakakamanghang kasama rin sa aligment ng mga planeta ang buwan.

Masisilayan sa kalangitan ang limang “naked-eye planets” o planetang kayang makita ng mata ng tao kahit walang kagamitan tulad ng telescope at maaaring masaksihan hanggang Hunyo 28, 2022.

Samantala, may tsansa naman makita sa mga susunod na araw ang planetang Saturn.

Related Articles

Back to top button
Close