EnvironmentPalawan Affairs

WALANG OIL SPILL SA SUMADSAD NA FOREIGN MOTOR YACHT SA KARAGATANG SAKOP NG BALABAC – PCG

Ni Kate Peredo

Walang oil spill sa sumadsad na isang foreigh motor yacht sa karagatang sakop ng Sitio Banglos, Barangay Indalawan, Balabac, Palawan noong Huwebes, Hunyo 23, 2022.

Sa ulat ng Coastguard Station Balabac, alas 08:10 ng umaga noong Huwebes nang magpadala ng Search and Rescue Team si Station Commander LTJG Kenneth Ronar Cabico at agad na nagtungo sa nasabing lugar upang inspeksyunin ang sasakyang-dagat para sa posibleng pinsala na maaaring magdulot ng oil spill at upang magsagawa na rin ng inisyal na pagtatanong tungkol sa sanhi ng insidente sa karagatan.

Photo//Coast Guard Station Balabac

Ayon sa Yacht Captain na si David Alan Gerdin, nakatulog siya nang mangyari ang insidente. Ang motor yacht ay patungo sa Kudat, Malaysia mula sa Siquijor bago sumadsad sa nabanggit na lugar.

Sinuri rin ang yate ng mga tauhan ng Marine Environmental Group (MEPGru) Balabac ngunit walang nakitang indikasyon ng posibleng oil spill.

Bagama’t walang nakitang spill at nasa mabuting pisikal na kondisyon ang mga tripulante, ang karagdagang monitoring at assessment ay isinasagawa ng Coastguard Station Balabac kasama ang lokal na pamahalaan.

Related Articles

Back to top button
Close