CommunityEnvironmentPalawan AffairsRegional

174 MAGPAPALAY NG BALABAC, NAKATANGGAP NG TULONG PINANSYAL

Ni Clea Faye G. Cahayag

PINAGKALOOBAN ng tig-limang libong piso (P5,000) na tulong pinansyal ang nasa 174 magpapalay ng Balabac, Palawan.

Ang pamamahagi ay isinagawa noong ika-23 ng Hunyo taong kasalukuyan mula sa programang Rice Farmers Financial Assistance (RFFA) sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund o RCEF.

Ang mga benepisyaryong magsasaka ay nakatala sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture o RSBSA at may sinasakang dalawang ektaryang pababang palayan.

Ayon sa Department of Agriculture (DA) Mimaropa, ito ay isa sa mga programa ng kanilang ahensya na layuning matulungan ang mga magsasaka ng palay. Ang pondo nito ay nanggaling sa P10 bilyong taripa mula sa pag-aangkat ng bigas ng bansa sa pamamagitan ng RCEF.

Ang bayan ng Balabac ay mayroong 370 ektarya ng palayan at umaani ng 60-80 kaban bawat ektarya kung saan ang kanilang ani ay kadalasang binebenta lamang nila sa isla at personal na pangkonsumo.

Tinuran naman ni Regional Executive Director Antonio Gerundio na ang pamamahagi ng Kagawaran ng Rice Farmers Financial Assistance ay magpapatuloy hanggang taong 2024.

Aniya pa, maliban sa RFFA, makatatanggap din ang bayan ng Balabac ng 200 bags ng inbred seeds, mobile rice mill at iba pang makinaryang pangsaka bilang suporta sa kanilang pagsasaka.

Hiniling din ng opisyal ang pakikipagtulungan ng mga magsasaka para sa patuloy na pagpoprodyus ng pagkain para sa bansa.

Related Articles

Back to top button
Close