HeadlinesHealthMetro PuertoPalawan AffairsTourism

15 INDIBIDWAL, NAGPOSITIBO SA COVID-19

Ni Clea Faye G. Cahayag

MAYROON na namang karagdagang 15 indibidwal na nagtungo sa Tubbataha Reef and Natural Park ang nagpositibo sa Covid-19.

Sa ibinahaging impormasyon ng City Information Office, dumating sa Puerto Princesa ang 22 katao (local at foreign tourists) noong ika-16 ng Hunyo taong kasalukuyan at agad nagtungo sa Tubbataha nung parehong araw.

Ngunit pagkalipas ng tatlong araw simula Hunyo 19 hanggang 21, lima (5) sa kanila ang nakaranas ng sintomas at nagpositibo sa Covid-19 matapos isailalim sa Rapid Antigen Test.

Kaya naman ang grupo ay bumalik ng lungsod noong ika-22 ng Hunyo kung saan sila ay sinalubong agad ng mga staff ng Incident Management Team (IMT) at dinala sa isolation facility para obserbahan.

At nitong ika-24 ng Hunyo, ang naturang 22 turista kabilang na ang unang limang nagpositibo sa antigen test ay isinailalim sa RT-PCR test. At lumabas sa resulta na 15 sa kanila na kinabibilangan ng 3 local at 12 foreign ang nagpositibo sa virus. Ang mga pasyenteng ito ay nag-eedad ng 27- 73 taong gulang at pawang mga fully vaccinated.

Ang nabanggit na 15 indibidwal ay hindi naman nakararanas umano ng alinmang sintomas ng virus at nakatakdang lumabas sa katapusan ng Hunyo. Ilan sa mga turistang ito ay naninirahan na rin sa Pilipinas.

Habang ang 26 boat crew naman na kasama nilang nagtungo sa Tubbataha ay nakatakda namang suriin kinabukasan, araw ng Lunes ika-27 ng Hunyo sa molecular laboratory ng lungsod.

“They were on off shore quarantine at this time until the result of their testing will come out,” ayon pa sa City Information Office.

Related Articles

Back to top button
Close