BusinessCommunityPalawan Affairs

SARI-SARI STORE PACKAGE, IPINAMAHAGI PARA SA MALILIIT NA NEGOSYANTE SA BAYAN NG CULION

Ni Vivian R. Bautista

DINALUHAN ng nasa isang daang (100) mga benepisyaryo na mula pa sa iba’t ibang barangay ng Culion ang pamamahagi ng Department of Trade and Industry (DTI) ng Sari-Sari store package katuwang ang lokal na pamahalaan ng Culion noong ika-24 ng Hunyo taong kasalukuyan na ginanap sa harap ng munisipyo.

Base sa Facebook post na ibinahagi ng Munisipyo ng Culion, ang Sari-Sari store package ay nagkakahalaga umano ng limang libong piso (5,000.00) bawat isa, na naging posible dahil sa pakikipag-ugnayan ni Mayor Ma.Virginia N. De Vera sa DTI upang maisakatuparan ito.

Kabilang din umano sa layunin ng Programang Malasakit ni Mayor V ang paghahanap ng mga partner upang mas lalong mapalawak pa ang nasabing programa.

Photo//Munisipalidad ng Culion

Nagkaroon din ng orientation ang mga kwalipikadong benepisyaryo na kung saan ay tinuruan sila ng mahahalagang kaalaman ukol sa pagpapalago ng kanilang negosyo.

Samantala, ang Go Negosyo Center ay binuksan din upang magbigay ng kaalaman sa mga gustong sumubok mag-negosyo gaya ng programang pangpinansyal na pwede umanong salihan sa pamamagitan ng mga training at seminar na kung saan puwedeng matutong magtayo ng sariling negosyo ang ilang mamamayan ng naturang bayan.

Related Articles

Back to top button
Close