CommunityPalawan Affairs

DALAWANG CONTAINER TRUCK AT ISANG VAN NAGKABANGGAAN SA SOFRONIO ESPAÑOLA KANINANG UMAGA

Ni Kate Peredo

Nasangkot sa aksidente kaninang alas-5 ng umaga ang dalawang container truck at isang shuttle van sa kahabaan ng national highway na nasasakupan ng Brgy. Labog, Sofronio Espanola, Palawan.

Sa ulat ng Palawan Police Provincial Office, kinilala ang mga sangkot na partido na sina John Vincent Colacion Galang (walang pinsala), 29 y/o, may asawa, shutelle van driver Toyota Hiace Commuter at residente ng Brgy. Sofronio Espanola, Palawan; may 8 pasahero na pawang residente ng Brooke’s Point, Palawan.

Edgar Bacasmas Gaspar (hindi nasaktan), 54 y/o, may asawa, driver ng Fuso Truck, kulay asul at puti, may kasamang helper onboard na kinilalang di Daryl Mejorada Romagos (hindi nasaktan), 31 y/o, binata, kapwa residente ng Puerto Princesa City; at Jonjon Montalbo Sanchez (bahagyang nasaktan i), 33 y/o, may asawa, driver ng Fuso Truck, kasama ang helper na nakasakay na kinilalang si Rolando Castillo Ortega (medyo nasugatan), 21 y/o, binata, helper, residente ng Sofronio Espanola, Palawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Sofronio Española Mps, ang dalawang Fuso Truck ay parehong patungo sa south direction mula Puerto Princesa City papuntang Brooke’s Point habang ang shuttle van ay patungo sa kabilang direksyon a nagmula sa Brooke’s Point papuntang Puerto Princesa City upang maghatid ng mga pasahero.

Photo// Mark Anthony Ticke

Pagdating sa kurbada at madulas na bahagi ng kalsada, ang Fuso Truck na minamaneho ni Gaspar ay umiwas habang ang Fuso Truck na minamaneho ni Sanchez ay nabangga na nasa likurang posisyon patungo sa parehong direksyon.

Pagkatapos noon, ang Fuso truck na minamaneho ni Sanchez ay sumakop sa kabilang linya. Sa kasamaang palad, ang shuttle van na nagmumula sa kabilang direksyon ay nabangga ang Fuso Truck na minamaneho ni Sanchez.

Dahil rito, pito (7) sa 8 pasahero ng shuttle van ay nagtamo ng bahagyang pinsala sa kanilang katawan.

Lahat ng mga driver at sasakyan ay pansamantalang dinala sa Sofronio Española Mps para sa tamang disposisyon.

Related Articles

Back to top button
Close