CommunityNational and InternationalRegional

DOLE, TARGET NA MABAWASAN NG 30% ANG CHILD LABOR SA PILIPINAS

Ni Clea Faye G. Cahayag

BATAY sa isinagawang Survey on Children ng Philippine Statistics Office (PSA) noong 2011 lumabas sa datos na mayroong 2.1 milyong kabataan sa Pilipinas na nag-eedad ng 5-17 taong gulang ang kabilang sa child labor kung saan 97.7% nito ay nasa hazardous child labor o mapanganib na gawain. 58.4% naman ang nagtatrabaho sa agrikultura, 34.6% ang nasa services sector at 7% ang nasa industry group.

“Child labor refers to any work or economic activity performed by a child under 18 years of age that subjects him/her to any form of exploitation or is harmful to his/her health and safety or physical, mental or psychosocial development,” ayon sa DOLE Department Order No. 65 series of 2004.

Ang child labor o batang manggagawa ay naitalang mataas sa Region lll (Central Luzon) sa bilang na 10.5%, sinusundan ito ng Region V (Bicol Region) -10-.4% , Region X- Northern Mindanao – 8.5%, Region IV-A (CALABARZON), Region VI (Western Visayas) at 8.2 (Annex A).

Ayon kay Kristan Sabando, Child Labor Prevention and Elimination Program (CLPEP) community facilitator ng Department of Labor and Employment bilang tugon sa panawagan ng International Labour Organization na mabawasan ang kaso ng child labor sa buong mundo, ang DOLE bilang Chairperson ng National Council Against Child Labor ay naatasan na magsagawa ng profiling para matukoy ang mga batang manggagawa.

Nakasaad sa Annual Plan Targets ng Philippine Development Plan 2017-2022, target noong 2017 na maalis sa child labor ang 15,000 kabataan: 2018- 100,000; 2019- 150,000; 2020- 175,000; 2021- 120,000 at 70,000 para ngayong 2022 na may kabuuang bilang na 630,000.

“Mula 2017 hanggang 2022 ang goal ng CLPEP ay mabawasan ng 30% na yun [katumbas ng] nasa 630,000,” ani Sabando.

“Yung 630,000 (child labor) na target para ma-achieve natin yan nandoon yung profiling na ginagawa. Paano ang proseso doon sa preparatory, yung DOLE makikipagcoordinate sa LGUs especially para makatulong kung sino yung mga prospect, kung anong mga barangay o area yung merong cases ng child labor dahil sila ang direktang nakakaalam kung sinu-sino,” dagdag pa nito.

Related Articles

Back to top button
Close