EventsHeadlinesPalawan AffairsRegional

COMMANDER NG WESTERN COMMAND, NAGBIGAY NG THUMBS-UP SA SEA TRIAL NG BRP ANDRES BONIFACIO PS17

Ni Vivian R. Bautista

NGAYONG araw ng Miyerkules ika-6 ng Hulyo taong kasalukuyan, ang BRP Andres Bonifacio PS17 ay pumasok sa Join Operations Area ng Western Command (WESCOM) sa Pinnacle Rock, Busuanga Island, Palawan.

Sakay ng nasabing barko si Vice Admiral Alberto B. Carlos PN, Commander ng AFP Western Command, na dumaan sa Galoc Oil Field na matatagpuan 60km hilagang-kanluran ng Palawan, na base sa Facebook post ng Western Command Armed Forces of the Philippines.

Ang Galoc Field ay isa umano sa mga service contract ng Department of Energy (DOE) na iniikutan o pinoprotektahan ng AFP Western Command, gayundin ang Malampaya Gas Fields at ang Nido at Matinloc Oil Platforms na matatagpuan sa lalawigan ng Palawan.

β€œShe is ready to perform her territorial defense functions at WESCOM,” ani Vice Admiral Carlos.

Photo//Western Command Armed Forces of the Philippines

β€œPS17 is indeed very mission-capable and I am confident that she will significantly strengthen our naval presence in the West Philippine Sea and secure our oil platforms,” dagdag pa niya.

Samantala, labis na nasiyahan si Vice Admiral Carlos sa ipinakitang performance ng barko sa sea trial mula sa Sangley Point sa Cavite City hanggang El Nido, Palawan.

Ang WESCOM ay ang pinag-isang command ng Armed Forces of the Philippines na namamahala sa mga isla ng Palawan at Kalayaan, kabilang na ang pinagtatalunang Spratly Islands group.

Responsable ito para sa pagtatanggol sa mga lugar na ito laban sa panlabas na pagsalakay, gayundin ang paglaban sa terorismo at insurhensiya.

Related Articles

Back to top button
Close