EnvironmentNews Paper of the week

DALAWA ARESTADO MATAPOS MAKUMPISKAHAN NG IPIL LUMBERS SA BAYAN NG ABORLAN

Ni Kate Peredo

Dalawang indibidwal ang arestado ng PNP at mga tauhan ng Bantay Palawan Task Force matapos makumpiskahan ng mga ipil lumbers kahapon ng umaga sa watershed area sa Talakaigan River, Barangay Magbabadil, Aborlan, Palawan.

Ang mga nahuling suspek ay sina Manuel Virginio Magsico, 58 taong gulang, may asawa, magsasaka; at Richie Tanaya Gaborno,47 taong gulang, may asawa, helper, at kapwa residente ng Barangay Magbabadil, Aborlan, Palawan; habang nakatakas naman si Biboy Zarasa Lasting 37 years old, chainsaw operator at residente ng Purok Sentro, Barangay Cabigaan, Aborlan, Palawan.

Ayon sa Aborlan Municipal Police Station, bandang 9:00 ng umaga kahapon nang makatanggap sila ng tawag mula sa Team Leader ng Bantay Palawan Task Force at ini-ulat ang iligal na gawain.

Agad naman rumesponde ang Aborlan MPS kasama ang mga tauhan ng PNP Maritime Group-Quezon SBU upang i-verify ang ulat, at pagdating sa nabanggit na lugar ay nakita nila ang mga suspek habang nasa aktwal na pamumutol ng puno ng Ipil gamit ang chainsaw.

Agad na dinakip ang mga suspek at narekober sa kanilang possession, control at custody ay ang isang (1) unit ng chainsaw, anim na pirasong Ipil lumbers; c. Isang (1) pc round cut Ipil lumber na may haba na 10 ft, at Isang (1) pc round cut Ipil lumber na may 8 ft ang haba.

Nasa kustodiya na ngayon ng Aborlan MPS ang mga naarestong suspek at mga nakumpiskang gamit para sa kaukulang disposisyon.

Samantala, mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A. No. 9175 o The Chainsaw Act of 2002 at P.D. No. 705 o Forestry Code of the Philippines.

Related Articles

Back to top button
Close