EnvironmentFeatureHeadlinesNational and InternationalPalawan AffairsTourism

SECRET LAGOON SA EL NIDO PALAWAN, “TOP 6 SA BEST BEACHES IN THE WORLD” NG BIG 7 TRAVEL

Ni Clea Faye G. Cahayag

NASUNGKIT ng Secret Lagoon sa El Nido Palawan ang ika-anim na puwesto sa listahan ng “Top 50 Best Beaches in the World” na inilabas ng Big 7 Travel.

“El Nido is a cluster of 45 islands just off the tip of Palawan, which is famous for its Secret Lagoon. Swim through a hole in the limestone rocks to enter a hidden bay with crystal clear water, white sandy beaches and tropical jungle,” ayon sa Big 7 Travel.

Ayon pa sa Big 7 Travel, ang resulta na ito ay batay sa aggregated scores mula sa mga dating media results, official Blue Flag locations at kontribusyon ng kanilang editorial team.

Kaugnay nito, ikinatuwa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ang pagkilala ng naturang travel website sa El Nido partikular ang Secret Lagoon Island Beach.

“Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan ay malugod na nagpapasalamat sa ganitong mga pagkilala, lalo na tayo sa Provincial Tourism Promotions and Development Office. Kami ay natutuwa dahil nagiging katuwang natin ang mga international travel websites gaya nito sa pagpromote ng ating mga tourist destinations sa lalawigan. Nagpapakita rin ito na nagiging epektibo ang mga ginagawang hakbang ng ating pamahalaan, LGUs at mga tourism stakeholders upang ipakilala at muling ibangon ang ating turismo sa lalawigan kahit na tayo ay nasa panahon pa rin ng pandemya,” ang naging pahayag ni Provincial Tourism Officer Maribel S. Buñi batay sa inilabas na impormasyon ng PIO Palawan.

Dagdag pa nito, ang Secret Lagoon lamang ang natatanging island beach sa Pilipinas na nakapasok sa kabuuang hanay batay sa travel website.

Related Articles

Back to top button
Close