CommunityHeadlinesMetro PuertoTourism

PAGTATAYO NG CONVENTION CENTER, ISA SA PLANO NI MAYOR BAYRON SA KANYANG TERMINO

Ni Clea Faye G. Cahayag

IBINAHAGI sa lokal na midya ni Punong Lungsod Lucilo Bayron ang planong pagtatayo ng convention center sa lungsod ng Puerto Princesa.

Aniya, bagama’t maraming kaakibat na trabaho ang kinakailangang gawin para maisakatuparan ito umaasa si Bayron na ito ay masisimulan sa ilalim ng kanyang liderato.

“Nagpupursigi tayo na makapagtayo ng convention center medyo marami lang masyadong mga preliminary na trabaho bago maitayo pero inaasahan ko itong termino na ito mapapagalaw natin yan hindi man siya matatapos masisimulan nang kung sinuman ang susunod sa atin. Maganda na ipagpagtuloy nalang nila kasi kung meron tayong convention center dahil sa continuing program ng pamahalaan kasi kung halimbawa doktor ka eh kung 20 anyos ka nang doktor wala kang continuing education hindi na dumadagdag ang kaalaman mo hanggang doon nalang. Napakarami talagang nasimulan na kailangan lang ipagpatuloy. Ngayon sa pagpapatuloy siniset ko yung dapat na galaw ng pamahalaang lungsod na dapat “mega-apuradong [administrasyon]” na ,” pahayag ni Bayron.

Ayon sa Alkalde, ang pagkakaroon ng sariling convention center ay malaki ang maitutulong sa sektor ng turismo ng Puerto Princesa.

“Ang convention center sa Pilipinas meron sa Davao, meron sa Iloilo, meron sa SMX. Nagsasawa na rin siguro ang mga tao kabalik balik doon magandang meron na rin tayo makaentice tayo, makaimbita ng mga tao na pumunta dito dagdag sa turismo natin yun. Kasi turismo talaga sa tingin ko, dalawa ang pinupuntahan ng mga tao, destination at saka mga event kaya yun yung convention center para sa mga event,” dagdag pa ng Alkalde.

Binanggit din nito ang muling pagsasagawa ng Subaraw Biodiversity Festival.

Maliban dito, kumpiyansa din si Bayron na maaabot ng lungsod ang target participants na 1,200 sa gaganaping Ironman 70.3.

“Ang update sa akin 953 na ang nakaregister. Ang target natin minimum 1,200 may ilang buwan pa July, August, September, October, apat na buwan pa. Palagay ko kaya natin hanggang 1,200. Ang sabi sa akin mabilis nga raw ang registration dito kasi sabi ng organizer ganun daw talaga kapag bago ang lugar marami ang mga interesadong sumali kaagad,” ayon pa sa Alkalde.

Related Articles

Back to top button
Close