CommunityHealthMetro PuertoPolitics

MGA USAPING PANGKABABAIHAN AT KALUSUGAN, TUTUTUKAN NI KONSEHAL RAINE BAYRON

Ni Clea Faye G. Cahayag

PANGUNAHING adbokasiya ni City Councilor Judith “Raine” Bayron ang pagtutok sa mga usapin may kinalaman sa mga kababaihan at kalusugan ng mga mamamayan ng lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon sa opisyal, matagal na niyang adbokasiya ang tungkol sa mga kababaihan at ito ay lalo pa niyang mapapalawig dahil siya ang napiling hepe ng Committee on Women, Child and Family Welfare.

Kaugnay nito, asahan na umano ang kanyang malawakang pagpapatawag sa iba’t ibang mga samahan ng mga kababaihan sa urban at rural barangays upang pag-usapan ang kanilang mga kinakaharap na suliranin at mabigyan ito ng solusyon.

“Maraming organizations yung mga kababaihan at medyo watak watak ang mga organizations na yun . Ako hangga’t maaari gusto kong makausap silang lahat anu-ano ba yung nagiging problema sa pinakababa, sa grassroots then from there maririnig natin kung ano ang sitwasyon kasi mahirap naman kung ako lang ang mag-iisip syempre very limited lang pero kung lahat ng mga kababaihan, lahat ng mga organizations makaka-usap ko sila at masasabi nila ng rekta sa akin mas madali nating matutugunan kung ano yung mga problema,” ani Raine.

Maliban dito, pokus rin niya bilang bagong City Councilor ng Puerto Princesa, ang kalusugan ng mga mamamayan ng lungsod.

At bilang hepe rin ng Committee on Health and Sanitation naniniwala ang Konsehal na sa pamamagitan ng preventive healthcare magkakaroon ng magandang kalusugan at maaagapan ang anumang problemang pangkalusugan ng mga residente.

Aniya pa kapag natapos na ang City Health Building Complex na magsisilbing pangunahing diagnostic center ng Puerto Princesa malaki ang maitutulong nito para sa maagang pagtukoy ng mga problemang pangkalusugan.

“Maapura natin yung City Health Building Complex kasi hindi lang siya basta isang City Health na ordinary–diagnostic center yan. Ang alam ko magkakaroon tayo ng mga city scan, libre yun. Pareho yung mga diagnostic center sa rural barangays natin then ang alam ko rin…parang may pending para sa dialysis. So yung mga pagdadiagnose ng mas maaga, ang mga kababayan natin nalalaman nila kung ano ang kailangan nilang gawin sa health nila so ma-lelessen yung sakit, ma-lelessen ang hospitalization ng bawat mamamayan. So nandoon tayo sa preventive side pa rin,” dagdag pa ng Kagawad.

Related Articles

Back to top button
Close