CommunityFeaturePalawan Affairs

BALSA ARALAN SA BALABAC PALAWAN, MAGLALAYAG PARA MAGHATID NG EDUKASYON

Ni Clea Faye G. Cahayag

INILUNSAD ng Department of Education Palawan Schools Division Office ang Balsa Aralan noong ika-14 ng Hulyo taong kasalukuyan. Ito ay matatagpuan sa Balabac, Palawan.

Batay sa facebook post ni Schools Division Superintendent Roger Capa, ito ay proyekto ng DepEd Palawan Alternative Learning System (ALS) katuwang ang lokal na pamahalaan ng Balabac sa pamumuno ni Mayor Shuaib Artami.

Ani Capa, ang programang ito ay layuning palakasin ang access sa edukasyon ng mga out-of-school youth at mga nasa hustong gulang na mga residente ng isla ng Balabac partikular na ang barangay Rabor.

PHOTOS// ROGER CAPA FB ACCOUNT

Ang Balsa Aralan ay mayroong dalawang palapag at naglalaman ng mga instructional materials na makatutulong sa pagkatuto ng bawat indibidwal.Mayroon din itong kasamang tv set, comfort room at pahingahan ng mga ALS mobile teachers.

“Maglalayag na po ito upang magdala ng pag-asa at edukasyon sa mga nangangailangan nito,” ayon sa fb post ni Capa.

“It was an exhausting and arduous journey, but it was all worth it. This is a confirmation of our commitment to make quality education accessible to our out of school youth and even adults who would want to continue their learning in an informal way,” dagdag pa nito.

Related Articles

Back to top button
Close