CommunityEventsHeadlinesHealthMetro PuertoPalawan Affairs

OXYGEN GENERATOR SYSTEM NG ACE MEDICAL CENTER PALAWAN KAYANG MAGSUPLAY NG NASA 35 TANGKE NG OXYGEN KADA ARAW

Ni Clea Faye G. Cahayag

PINASINAYAAN na ngayong araw ng Biyernes, ika-15 ng Hulyo taong kasalukuyan ang Oxygen Generator System ng Ace Medical Center Palawan katuwang ang Oxy Tec Solutions Incorporated.

Sa panayam kay Chief Executive Officer Keith Suarez ng Oxy Tec ang oxygen generator ay mayroong kapasidad na 30-35 tangke ng oxygen kada araw na kayang suplayan ang 100- bed capacity ng naturang ospital.

“Mini-measure kasi namin yung required oxygen ng ospital based on bed capacity. Hopefully makakatulong ang oxygen generator to patients. Dito sa atin sa Ace Medical Center Palawan hindi tayo nagrerefill. Ang nangyayari kung wala siyang need [na oxygen] di tayo nagpoprodyus, nakakasave din tayo sa kuryente,” ani Suarez.

Bago maibigay ang oxygen sa isang nangangailangang pasyente, ito ay dadaan sa labing-anim (16) na proseso; Screw Compressor, Cyclone Filter, Eco Drain, Condensate Filter, Refrigerated Dryer, Coalescence Filter, Eco Drain, Activated Carbon Filter, Compressed Air Vessel, Eco Drain, PSA Inlet Particle Filter, PSA Carbon Filter, PSA Oxygen Generator (Pressure Swing Absorption), Medical Oxygen Vessel, Sterile Filter at Outlet Particle Filter.

Batay sa experience ng kanilang kompanya kayang tumagal ng 25 taon ang plantang ito.

“Ang nangyayari galing sa baba, mayroong mga tubo aakyat na yun papunta ng room ng patients, pagkapunta ng room ng patients didiretso na yun sa kanila,” ayon kay Suarez.

“Yung system natin Pressure Swing Absorption (PSA) ang nangyayari hinihigop lang niya ang hangin from the atmosphere. Dadaan ng series ng filtration tapos didiretso sa concentration. Ihihiwalay niya ang nitrogen then patataasin ang purity ng oxygen up to 95% which is allowable to be used by the patients at yun ang regulated ng Food and Drugs Administration (FDA),” paliwanag pa nito sa lokal na midya.

Sa limang taong partnership ng Oxy Tec sa Ace Medical Center Palawan tiniyak nito na magbibigay sila ng kalidad na serbisyo sa lalawigan.

Sa hiwalay naman na panayam kay Founding President Dr. Editha Miguel ng Ace Medical Center Palawan ang pasilidad na ito ay environment friendly at No risk of explosion.

“Walang kemikal na ginagamit. We use a natural air, kino-compress yun tapos yun na ang pinoprovide sa patients. Less explosive kasi hindi siya high pressure mas lower ang pressure niya compared sa mga pressure na nakikita mo sa isang tangke [ng oxygen],” ani Miguel.

“Hindi [mataas ang singil] mas mura nga ito kasi right now yung oxygen cost per tank is 1,000 plus pero ngayon mas mura siya, almost 40% na cheaper. Talagang ma-assure tayo minute by minute , may monitoring yung purity ng oxygen and mas very convenient kasi kung titignan niyo sa mga kuwarto ng mga pasyente wala pong mga tangke, puro mga nakakonek kaaagad sa wall tapos diretso sa patient yan,” dagdag pa ng opisyal.

Related Articles

Back to top button
Close