CommunityHeadlinesHealthPalawan AffairsPolitics

BM MARIVIC H. ROXAS, HUMIHILING SA DOH AT DEPED NA MAGSAGAWA NG RESBAKUNA KIDS CAMPAIGN SA LALAWIGAN NG PALAWAN

Ni Vivian R. Bautista

SA ginanap na 3rd Regular Session ng ika-44 Sangguniang Panlalawigan ngayong araw ng Martes ika-26 ng Hulyo taong kasalukuyan ay iminungkahi sa pamamagitan ng Resolution No. 048-22 ni 2nd District Board Member Marivic H. Roxas na humihiling sa Department of Health (DOH) at Department of Education (DepEd) na magsagawa ng rebakuna kids campaign na nagpapakita umano ng kahalagahan ng Covid-19 vaccines sa mga bata at gumawa ng assessment para sa posibleng school-based immunization (Covid-19 vaccination) sa lahat ng pampubliko at pribadong mga paaralan ng elementarya sa Lalawigan ng Palawan.

Tinuran ni BM Roxas na ang nasabing resolusyon ay napapanahon sapagkat ang kagawaran umano ng Edukasyon ay naghahanda na para sa face-to-face classes, na tulad ni Pangulong Marcos Jr. na patuloy na nananawagan sa lahat ng mga mamamayan sa bansa na magpabakuna na.

Layunin ng nasabing resolusyon na tulungan ang mga magulang ng bawat kabataan na maunawaan ang kahalagahan ng nasabing bakuna sapagkat kung may tamang pang-unawa sa magandang layunin at epekto ng bakuna ay mas posible umanong magiging ligtas ang kapaligiran para sa mga kabataan.

“Hindi po lingid sa ating kaalaman na marami pong magulang na hindi nais na mabigyan ng libreng bakuna ang kanilang mga anak, kung tayo po ay may sapat na impormasyon o tinatawag po natin na yung ating mga ahensya ay mayroon pong information dessimination ay mas magiging magaan ang paghihikayat sa pagbabakuna kontra Covid-19,” ani BM Roxas.

“Mas mapapabilis po ang pagtupad ng layunin ng ating probinsya na mapabakunahan ang bawat mamamayan tungo sa mas ligtas na kapaligiran para sa ating lahat,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa kanya, kung may sapat na impormasyon ang mga mamamayan sa pamamagitan ng assessment ay hindi masasayang at mapapawalang saysay ang pagpapatupad ng tinatawag nating possible school-based immunization o Covid-19 vaccination at makakatulong din umano ito sa mga mag-aaral na nais talagang mapabakunahan ng kanilang mga magulang.

Related Articles

Back to top button
Close