BusinessHeadlinesMetro Puerto

DAYALOGO SA PAGITAN NG MGA MULTICAB, JEEPNEY DRIVERS & OPERATORS NAKATAKDANG ISAGAWA SA HUWEBES

Ni Clea Faye G. Cahayag

NAKATAKDANG magsagawa ng public hearing ang Committee on Transportation sa pagitan ng mga drivers at operators ng Public Utility Vehicle (PUV) sa lungsod ng Puerto Princesa sa darating na araw ng Huwebes, ika- 28 ng Hulyo dakong ala-una ng hapon.

Sa panayam kay City Councilor Nesario Awat, hepe ng naturang komite ang pagpapatawag na ito ay upang talakayin ang panukalang Public Utility Vehicles Modernization Program ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ani Awat sa katatapos lamang na pakikipagpulong sa LTFRB nakaraang linggo isa sa napag-usapan ang pending na route plan ng lungsod na isinumite ng opisina ng City Planning kung saan mayroong naging pagpuna partikular sa panukalang route plan at trunk lines ng mga public utility vehicles.

“Kailangan ihanda rin natin ang ating mga operators. Napag-alaman natin na sa ngayon merong pitong cooperatives pero yung trunk lines ay apat lamang. So, ang policy ng LTFRB ang bawat isang trunk lines ay isang kooperatiba, in short kailangan magkaroon ng merger yung mga ibang kooperatiba para ma-address ang mga bagay na ito. Kaya nga ang ginawa natin para ng sa gayun magkaroon ng leveling at magkaisa ang lahat at consensus ang judgement ay magkakaroon tayo ng isang public dialogue kasama na dito ang consultation, public hearing may kaugnayan sa mga bagay na ito na naka-iskedyul this coming Thursday, 1:00 in the afternoon,” ayon kay Awat.

Sa naging meeting kamakailan, isa rin sa naging kahilingan na rebisahin ang panukalang route plan dahil di umano masasagasaan ng PUV ang ruta ng mga tricycle.

“Natanong natin ang bagay na yan sa LTFRB sabi naman nila kung ito ay aamyendahan ng Sangguniang Panlungsod yan ay wala namang problema. That is within the power of Sanggunian but of course that amendments should be subject to the approval of the LTFRB and DOTr,” dagdag pa ng Kagawad.

Related Articles

Back to top button
Close