BusinessCommunityHeadlinesMetro Puerto

PAGBEBENTA NG SIGARILYO SA EDAD 18 PABABA, IPAGBABAWAL

Ni Clea Faye G. Cahayag

MAYROONG panukala sa City Council si Sangguniang Kabataan (SK) Federation President Myka Mabelle Magbanua na SDO No. 010-2022 o “An ordinance prohibiting the use, sale, distribution and advertisement of cigarettes and other tobacco products, electronic nicotine and non-nicotine delivery systems, heated tobacco products and other novel tobacco products in certain places, imposing penalties for violation thereof and providing funds thereof, to instill health consciousness and for other purposes”.

Layunin ng ordinansang ito na mabawasan ang pag-access sa sigarilyo ng mga kabataan partikular na ang mga 18 taong gulang pababa.

Sa ilalim ng ordinansa, inirerequire ang pagpapaskil ng mga poster sa bawat establisyimento na nagpapaalala na ipinagbabawal ang pagbebenta ng anumang tobacco products sa mga menor de edad.

“Dito po sa proposed ordinance ni-rerevitalize natin yung iba’t ibang mga Republic Acts natin na nagbabawal sa mga kabataan to access tobacco products. Isa diyan sa mga requirement may nakalagay po doon na required po sila na mayroong malaking poster na itong produkto ay hindi ipinagbibili sa ganitong edad, kailangan tiyakin na yung mga nagtitinda ng tobacco products ay hindi po sila makakabenta sa menor de edad. Dahil kapag nabentahan nila yun yung Business Permits and Licensing Office (BPLO) naman po natin ang deputize para manghuli at magconduct ng investigation para doon sa mga establisyimento na nagbebenta ng tobacco products sa mga kabataan,” paliwanag ni Magbanua sa lokal na midya.

“Strict tayo sa basic, ang basic natin hindi pupwede magbenta sa menor de edad so regardless kung ano ang alibi ng bata, kung inutusan o kung ano pa mang alibi niya hindi talaga sila pwede magbigay. Kung gusto ng bata na bumili at sinasabi niya na inutusan lang siya bumili ay dapat yung magulang niya ang pumunta o ate, kuya na nasa wastong gulang na,” dagdag pa nito.

Maliban dito, nakapaloob din sa panukalang ordinansa ang pagtatalaga ng mga smoking area sa mga pampublikong lugar at mga tourist spot sa Puerto Princesa.

Binigyang diin ni Magbanua ang masamang epekto sa kalusugan ng mga indibidwal na makalalanghap ng usok ng sigarilyo.

“Kung makikita natin pag nagsmoke tayo hindi lang naman tayong nagsmoke yung compromise ang kalusugan pati yung mga kasama na nakakalanghap, yung mga second hand smoker especially yung mga kabataan na nakakalanghap ng usok ng sigarilyo, vape o kung ano pa mang electronic delivery system na ginagamit. Hindi talaga maganda para sa kalusugan ng ating mga mamamayan at sa magiging turista din natin dahil tayo ay pamoso sa isang pagiging sikat na tourist spot kagaya din ng ibang ginagawa mga local government units sa buong bansa gusto natin i-restrict sa ilang mga places dito sa ating lungsod yung pagbebenta at paninigarilyo specifically sa mga pampubliko na spaces atsaka yung mga tourist destination natin sa lungsod ng Puerto Princesa.

“Katulad ng mga parks at Puerto Princesa Underground River pero maglalagay naman po tayo ng designated smoking area so hindi lang po pwedeng magsmoke kung saan saan,” pahayag pa ni Magbanua.

Maging ang mga pribadong establisyimento ay hinihikaya’t din na magkaroon ng smoking area.

Upang matiyak na ito ay maipatutupad magtatalaga ng special task force na siyang magmomonitor dito.

Kapag naaprobahan ang ordinansang ito ang mga establisyimentong lalabag ay maaaring patawan ng multa o kanselasyon ng kanilang business permit.

Related Articles

Back to top button
Close