BusinessCommunityPalawan AffairsPolitics

FINANCIAL ASSISTANCE PARA SA 84 NA BENEPISYARYO NG CB-GAD LIVELIHOOD ENHANCEMENT PROGRAM, ISINAGAWA SA BAYAN NG ROXAS AT TAYTAY

Ni Vivian R. Bautista

MAY kabuuang 84 na mga benepisyaryo ang tumanggap ng pangkabuhayang ayuda mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan na ginanap noong ika-23 ng Hulyo taong kasalukuyan sa Bayan ng Roxas at Taytay, Palawan.

Ayon sa Official Facebook post ni Gobernador Dennis M. Socrates, pinangunahan ng Gobernador ang pagkakaloob ng nasabing tulong pinansyal sa bawat benepisyaryo sa apat na barangay ng Roxas at Taytay na nagkakahalaga ng P30,000 sa ilalim ng Community Based Gender and Development (CBGAD) Livelihood Enhancement Program.

Layunin nito na mapaunlad ang kakayahan ng mga benepisyaryo sa pagnenegosyo, madagdagan ang kanilang kita at mapalago ang perang ipinahiran bilang puhunan dahil ang halagang ito ay kailangan din nilang maibalik sa Pamahalaang Panlalawigan sa loob ng tatlong (3) taon batay sa kontrata na kanilang nilagdaan.

Photo//Official FB Page of Gov. Dennis M. Socrates

Umabot sa halagang P2,520,000 ang naipagkaloob sa mga nasabing benepisyaryo na mula umano sa People’s Organizations (Pos) na Kambingan sa Mendoza Association ng Brgy. Mendoza sa bayan ng Roxas at mga asosasyon sa bayan ng Taytay na Sagip Livelihood Association ng Brgy. New Guinlo, Sandoval Livelihood Association ng Brgy. Sandoval at MAYMAROPA Association na mula sa Brgy. Pangcol na pawang pagkakambingan ang mga napiling negosyo.

Naroon sa nasabing programa sina Board Members Roseller “Toto” Pineda, Winston Arzaga, GAD Department Head Richard Winston J. Socrates, at si Provincial Planning and Development Office (PPDO) Officer-In-Charge Sharlene D. Vilches bilang katuwang ng Gobernador sa pamamahagi ng naturang livelihood assistance.

Samantala, dumalo rin sa nasabing programa si Taytay Mayor Christian Rodriguez, mga Barangay GAD Monitors at pati na rin ang ilang kawani mula sa mga barangay upang suportahan ang layunin ng programa.

Related Articles

Back to top button
Close