EnvironmentHeadlinesMetro PuertoTourism

HALAL SLAUGHTERHOUSE SA LUNGSOD, ISA SA ISINUSULONG NG CITY TOURISM OFFICE

Ni Clea Faye G. Cahayag

ISA sa mga proyekto na isinusulong ng City Tourism Office ang pagkakaroon ng halal slaughterhouse sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ayon kay Assistant City Tourism Officer Demetrio Alvior target ng lokal na pamahalaan na ito ay ilagay sa bisinidad ng Integrated Agricultural Center na matatagpuan sa Barangay Irawan.

Aniya, kung magkakaroon ng halal slaughterhouse sa lungsod makatutulong ito upang maka-engganyo ng mga turista mula sa muslim countries.

“Isa sa pinupush natin ngayon sa City Government is yung halal slaughterhouse. Approved na siya sa council pondo nalang yan atsaka kung sino ang magpapatayo kasi ang target natin ay sa [barangay] Irawan,” ang tinuran ni Alvior sa programang Turismo Dade ng City Tourism Office.

“Lalo na kung magkaroon tayo ng direct flights sa Malaysia o kaya yung Buliluyan natin. So, kailangang kailangan talaga natin ng halal food, mag-umpisa yan sa halal slaughterhouse,” dagdag pa ng opisyal.

Isa rin umano sa dahilan kung bakit mababa ang bilang ng mga turistang bumibisita sa Puerto Princesa mula sa Muslim countries ay ang kawalan ng halal na pagkain ngunit kumpiyansa si Alvior na ito ay tataas kung maisasakatuparan na ang nabanggit na proyekto.

“Kaya makikita mo sa statistics ng arrival ng Puerto Princesa napakaliit lang ang dumadating na galing sa Muslim countries. Ang isa kasing reason nun ay wala tayong halal food so kung yun ay magawa natin additional tourist arrival natin yan kasi ang Puerto Princesa at Palawan ay napakastrategic ng location lalo na doon sa southeast asian countries– dominated ng Muslims kaya nagtataka tayo hindi sila pumupunta sa atin kasi nga dahil doon sa food natin.

Sabi nga sa statistics, sa 2050 ang buong mundo ay madodominate na ng mga kapatid nating Muslim –sila ang number 1 at yan ay mangangailangan ng halal food,” pahayag pa ni Alvior.

Related Articles

Back to top button
Close