CommunityEnvironmentMetro PuertoPalawan AffairsRegional

KADIWA MIMAROPA OFFICIAL OUTLET, BUKAS NA SA MGA MAMIMILI

Ni Clea Faye G. Cahayag

NAGSIMULA na ang pagseserbisyo ng Kadiwa Mimaropa Official Outlet na magtatagpuan sa provincial capitol.

Mabibili dito ang mga sariwa at abot-kayang presyo ng gulay at prutas tulad ng pechay, upo, kalabasa, okra, pipino, lettuce, abokado, dragon fruit, kamatis, saging at iba pang produkto ng mga magsasaka sa lalawigan ng Palawan.

Ito ay bukas simula alas nuwebe ng umaga (9:00 am) hanggang alas dos ng hapon (2:00 pm) tuwing araw ng Miyerkules.

Ang opisyal na pagbubukas ng Kadiwa Mimaropa Official Outlet ay dinaluhan nina Mimaropa Regional Technical Director for Operations Engr. Elmer T. Ferry, Palawan Agricultural Program Coordinating Officer Vicente A. Binasahan, Jr., Provincial Information Officer Atty. Christian Jay V. Cojamco, Provincial Legal Officer Atty. Jethro M. Palayon, Provincial Nutrition Action Officer Rachel T. Paladan, Provincial Cooperative Development Officer Gina S. Socrates, Palawan Tarabidan Cooperative Chairman Socorro S. Tan, Palawan Tarabidan MPC at mga kawani ng Provincial Agriculture Office.

Ayon sa DA RFO Mimaropa, ang naturang Kadiwa outlet ay bukas sa lahat ng mga Palawenyo.

Ang Department of Agriculture katuwang ang Palawan Tarabidan Multi-Purpose Cooperative ang nagsusuplay ng mga produktong pang-agrikultura na siyang mabibili sa outlet.

Tinuran ni Provincial Agriculturist Dr. Romeo Cabungcal sa pamamagitan ng programang ito nailalapit ang mga produkto sa mga mamimili at natutulungan ang mga magsasaka sa kanilang hanapbuhay.

Aniya pa isa sa prayoridad ng Pamahalaang Panlalawigan ang mga programang may kinalaman sa agrikultura.

Nangako naman si DA MIMAROPA Regional Executive Director Antonio G. Gerundio na ang kanilang tanggapan ay patuloy na susuporta sa mga kahalintulad na programa na magbibigay ng kaunlaran at kabuhayan sa mga magsasaka.

Related Articles

Back to top button
Close