CommunityHeadlinesHealthNational and International

DEPARTMENT OF HEALTH (DOH), NAKAPAGTALA NG UNANG KASO NG MONKEYPOX SA PILIPINAS

Ni Vivian R. Bautista

NAKAPAGTALA ang Department of Health (DOH) ng unang kaso ng Monkeypox sa bansa matapos umanong masuri ang isang 31 taong gulang na Filipino national noong ika-28 ng Hulyo taong kasalukuyan at napag-alamang nanggaling ito sa mga bansang may mga kaso ng Monkeypox.

Ayon sa Facebook post ng PTV, inihayag ni DOH Dr. Beverly Ho na ang naturang indibidwal ay kasalukuyan umanong sumasailalim na ngayon sa mahigpit na isolation at monitoring, kabilang na ang sampu (10) pang mga nakasalamuha nito.

Samantala, sinisiguro ng DOH sa publiko na ang mga public health surveillance system sa Pilipinas ay may kakayahan umanong makita at makumpirma ang mga kaso ng naturang virus.

Ang Monkeypox ay isang bihirang sakit na dulot ng impeksyon ng monkypox virus. Ito ay bahagi ng parehong pamilya ng mga virus gaya ng variola virus, ang virus na nagdudulot ng bulutong.

Ang mga ito ay katulad din ng mga sintomas ng bulutong, ngunit mas banayad, ang monkeypox ay bihirang nakamamatay at wala rin umano itong kaugnayan sa bulutong-tubig.

Ang monkeypox ay kumakalat sa iba’t ibang paraan, maari itong kumalat sa pamamagitan ng direktang pakikipag-ugnayan sa mga may nakakahawang pantal, scabs, o mga likido galing sa katawan, paghalik, pagyakap o pakikipagtalik.

Related Articles

Back to top button
Close