CommunityEnvironmentEventsMetro Puerto

PP22 MISSION TEAM, NAKIISA SA PAGTATANIM NG MGA PUNO SA BARANGAY NAPSAN AT SAN RAFAEL

Ni Clea Faye G. Cahayag

TINATAYANG walong daan (800) na mga seedlings ang pinagtulungang itanim ng mga opisyales ng lokal na pamahalaan, barangay, at mga uniformed personnel katuwang ang The Pacific Partnership 2022 (PP22) mission team sa Barangay Napsan at San Rafael sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ang tree planting activity ay pinangunahan ng City Environment and Natural Resources Office (City ENRO). Ito ay isinagawa noong ika-28 at 29 ng Hulyo taong kasalukuyan.

Sa ibinahaging impormasyon ng City ENRO mga endemic trees ang pangunahing itinamin sa Napsan tulad ng Palawan Mangkono, Narra, Banaba, Agoho del Monte at Ipil habang mga Indigenous trees naman tulad ng Alalod, Panig, Pasi, Sahing, at Kamagong Ponce, Balayong at Golden Shower ang itinanim sa San Rafael.

PHOTO// CITY ENRO PUERTO PRINCESA

Nakiisa rin sa aktibidad ang mga opisyales ng barangay Manalo, Lucbuan, Maruyugon, Maoyon, Babuyan, San Rafael, Binduyan, Tanabag, Concepcion, at Langogan. Matatandaan na ang mga nabanggit na barangay ay kabilang sa mga lubos na naapektuhan sa paghupit ng bagyong Odette noong Disyembre nakaraang taon.

Batay sa US Indo- Pacific Command website, ang PP22 mission team ang pinakamalaking multinational humanitarian assistance at disaster relief preparedness mission na naglalayon na mapaunlad ang regional interoperability, disaster response capabilities, at mapataas ang security at stability sa Indo- Pacific.

Ito ay binubuo ng United States (US) Navy, Royal Navy of the United Kingdom, at mga miyembro ng Australian Defence Force military members sakay ng Military Sealift Command hospital ship USNS Mercy (T-AH 19) na nagsisilbi nilang platform.

Related Articles

Back to top button
Close